Kabanata 31: Ang Sermon

458 1 0
                                    

Kabanata XXXI: Ang Sermon

Padre Damaso: “Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw."

Ito ang pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres.

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Nagpugay ang pari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan ang alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador.

Padre Damaso: “Tularan ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng kalangitan na namamayani kaysa sa lahat ng guwardiya sibil ng alperes.”

Nakita ni pari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na…

Padre Damaso: "Opo, ginoong Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bagamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay diego de Alcala."

Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang mukha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

Padre Damaso: “Marami na ang nakalimot sa dasal na Ama Namin. Sila ang mga protestante at erehe. At kayong mga erehe ay mamamatay na hindi nagsisisi. Dito pa lamang sa lupa’y pinarurusahan na kayo kaya’t dapat lang na layuan na  kayo ng inyong pamilya. Dapat sa inyo’y bitayin upang hindi pamarisan at hindi lumaganap ang lahi ni Satanas. Winika ni Hesus na ang isang bahagi sa katawan na hinahatak sa pagkakasala ay kailangang putulin at itapon sa apoy.”

Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo...ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.

Isang lalaki ang lumapit kay Ibarra

Elias: “Mag-iingat ka kaibigan, sa iyong pinapatayong paaralan. Huwag kang lalapit sa itinatayong panghugos at kung maari’y huwag kang lalayo sa kura.”

Nakilala ni Crisostomo ang lalaking nagbabala na walng iba kuni si Elias. Mabilis ding tumalilis ang lalaki.

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon