Kabanata XXIX: Ang Umaga
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor.
Don Filipo: “Higit ata kayong malungkot kesa nagdaang araw? Alam kong maraming dapat ikalungkot pero wala po ba kayong balak magsaya kahit ngayon manlang?”
Tasyo: ““Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.”
Don Filipo: “Wala tayong magagawa sa kagustuhan ng kura at kapitan.”
Tasyo: “Magbitiw ka sa iyong tungkulin kung ganoon.”
Pagkasabi niyon ay tinalikuran ng pilosopo si Don Filipo patungo sa simbahan. Naglakad na rin si Don Filipo patungo sa simbahan.
Don Filipo: “Magbitiw! Kung tutuusin ay hindi karangalan ang tungkuling ito kundi isang pasanin.”
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago. Si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salve ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...