Kabanata XXXII: Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Ito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangang hanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Napadaan si Pilosopong Tasyo at nagwika sa sarili
Pilosopong Tasyo: “Darating ang panahon na ang gusaling iyan ay manghihina dahil sa katandaan at tuluyang gigibain ng isang mapangwasak na lindol o kamay ng tao.”
Dumating ang banda at sinalubong iyon ng mga bata at matatanda. Isang lalaking nakaayos magbubukid ang nakamasid. Ikinubli nito ang mukha. Tumayo ito malapit sa ikiran nng lubid. Mataman nitong pinagmamasdan ang kilos ng lalaking madilaw. Hindi namalayan ng marami na si Elias o ang piloto ang lalaking iyon.
Magkasamang dumating ang alkalde at mga pari maliban kay pari Damaso. Si Crisostomo Ibarra ay kausap ng alkalde.
Alkalde: “Handa akong tumulong sa isang magandang layunin, Ginoong Crisostomo. Tutulungan kita upang magtagumpay ang proyektong ito.”
Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle , mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ibarra: “Tulungan ninyo akong iahon ang bangkay ng sawimpalad na lalaki.”
Narinig ni Maria Clara ang tinig ni Crisostomo at saglit pa’y naalan na ng malay tao sa bisig ng mga kasamang dalaga.
Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa at namahala sa pagpapagawa na walang iba kundi si Nol Juan. Hindi sinangayunan ni Ibarra ang kagustuhan ng lalaki.
Ibarra: “Hindi po tayo nakatitiyak kung sino ang may kasalanan. Hindi na natin pa maibabalik ang buhay ng lalaking namaatay.”
Nakiusap si Crisostomo na siya na ang bahala sa pagsisiyasat.
Ibarra: “Pananagutan ko ang pansamantalang kalayaan ni Nol Juan, kahit man lamang sa loob ng ilang araw.”
Lumayo na si Crisostomo sa Sakuna matapos ipagtanong ang kalagayan ni Maria Clara. Umuwi siya upang magpalit ng damit.
Isa si PIlosopong Tasyo sa nakasaksi sa naganap na sakuna at kaniyang naiwika.
Pilosopong Tasyo: “Isang masamang simula.”
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...