Kabanata XXI: Ang Kasaysayan ng Isang Ina
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Pero ang sumunod na sandali ang siyang nagbalik ng kabang kaninang akala niya’y nawala na, linapitan siya ng dalang guardiya sibil.
Sibil 1: “Nasaan ang iyong anak? Ikaw ba ang ina ng magnanakaw?
Sisa: “Ha?”
Sibil 2: “Huwag ka nang magsinungaling. Nasaan ang mg anak mo? Sabihin mo na kundi babarilin kita.”
Sisa: Mga ginoo, hindi po magnanakaw ang mga anak ko. Si basilio nga ay walang maibigay saakin kahit isang kusing. Halughugin niyo ang bahay ko ngunit wala kayong makikitang bata dahil matagal nang nawawala si Crispin.”
Sibil 1: “Kung ganon ikaw ay dadamputin naming at dadalhin sa kwartel.”
Sisa: “Teka lamang po wala po akong kasalanan. Bakit niyo ako dadamputin?”
Sibil 2: “Itinatago mo ang anak mo!”
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na.
Pagkarating nila sa kabayanan ay tiyempong katatapos palang ng misa. Hiyang-hiya si Sisa at halos malusaw siya sa tingin ng mga tao doon at pinagbubulungan pa siya.
Sibil 1: “Pasok!”
Sigaw ng guwardiya sibil at itinulak siya papasok sa kwartel. Sa bawat paglipas ng sandali ay unti-unting nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Alalang-alala na siya sa kung anong nangyari sa mga munti niyang anghel, hindi niya mapigilan ang mapaluha hindi niya akalain na mangyayari sa kanila ang nangyayari ngayon.
Magtatanghali, nabagabag ang damdamin ag Alperes at iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak.
Sisa: “Crispin! Basilio! Mga anak ko asan na kayo????!!!” (3x)
Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.
Sisa: “Mga anak ko !!!!!! andito na si nanay!!!!!”
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na ang nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
Sisa: “Crispin!!!!!!!!!!!!!!”
Sisa: “Basilio!!!!!!!!!!!!! MGA ANAK KO!!!!”
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...