Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

433 1 0
                                    

Kabanata XVIII: Mga Kaluluwang Naghihirap

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong dalang bayong na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento.

Sisa: “Narito ang mga gulay para sa kura.”

Nakangiti niyang sabi.

Ngunit wala ni isa sa nandoon ang pumansin sa kaniya. Kaya nagkusa na lamang si Sisa na ayusin ang mga dala niya.

Sisa: “Maaari ko bang makausap ang kura?”

Kusinero: “Hindi siya maaaring abalahin ngayon dahil may sakit siya.”

Sisa: “Kung ganoon ay maaari ko bang makita ang anak kong si Crispin?”

Alila: “Si Crispin? Di ba’t umuwi na siya sa inyo?”

Sisa: “Si Basilio lamang ang nandon. Naiwan dito si Crispin kaya’t ibig ko siyang makausap at ipagpaalam sa kura na susunduin ko na siya.”

Kusinero: “Naiwanan nga dito si Crispin pero matapos makapagnakaw ay tumakas din. Naisuplong na siya sa mga guardiya sibil kaya’t anumang oras ay maaari nang dakpin ang iyong anak.”


Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon