Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.
Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel.
Donya Consolacion: “Paakyatin niyo ang baliw na nakakulong.”
(Tumango ang mg guwardiya sibil at tumalilis na)
Donya Consolacion: “Vamos magcantar icau.”
(Hindi iimik si Sisa)
(Kukunin ni Consolacion ang latigo na nakasabit sa dingding)
Donya Consolacion: “Vamos magcantar icau!”
(hindi parin iimik si Sisa)
(Umutos sa sibil)
Donya consolacion: “(kumanta si sisa ng kundiman ng gabi)
Sisa: “
Donya Consolacion: “Tumigil ka!”
Nagulat ang Guwardiya sibil dahil marunong palang magsalita ng tagalog ang donya.
Consolacion: “Bakit ganiyan kang makatingin?! Hala Bueno! Umalis ka na! Alis!
(haharap kay sisa *may hawak parin siyang latigo*)
Consolacion: “Baile!”
Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.
(bubuksan ng alperes ng malakas ang pinto)
Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya.
Consolacion: “Hindi mo ba ako babatiin? Mahal kong alperes?”
(Hindi sasagot ang alperes)
Alperes: “Sibil! Bigyan niyo ng damit at pagkain ang babaeng ito. Gamutin niyo rin ang kaniyang mga sugat dahil bukas na bukas din ay dadalhin natin siya kay Ginoong Ibarra, naiintindihan niyo ba?”
Sibil: “Opo!”
(Aalis na ang sibil habang bitbit si Sisa na nagpupumiglas)
(Aalis ang Alperes at pabalibag na isasara ang pinto, maiiwang mag-isa si Donya Consolacion)
Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...