Kabanata VI: Si Kapitan Tiyago
Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.
Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan sya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapasok ni maria sa kumbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Don Rafael: “Kapitan, batid o ang sitwasyon nila dalawa.”
Kapitan Tiyago: “Alam ko iyon Don Rafael, kaya ng may naisip akong paraan para masiguro ang kinabukasan nila.”
Don Rafael: “Ano iyon kapitan? Sa tingin ko tama ang aking iniisip.”
Kapitan Tiyago: “Tama ka Don. Ang tanging paraan laang para maging masaya sila ay ang ipakasal sila sa isa’t isa syempre sa takdang panahon kung saan pareho na silang handa.”
Don Rafael: “Mabuti ang iyong tinuran hindi ako hahadlang sa plano mo kapitan. Sa katunayan ako’y nasisiyahan doon, nasisiyahan ako dahil balang araw magiging isa rin sila.”
Kapitan Tiyago: “Dahil sila’y tunay at wagas na nagmamahalan.”
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...