Kabanata 38: Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Bakas sa kaniyang tinig ang kalungkutan.
(Aawit si Maria Clara
)
Ibarra: “Ako ba ang dahilan ng kaniyang kasawian?”
(Lumapit ang kapitan heneral kay Ibarra)
Kapitan Heneral: “Saluhan ninyo ako sa pagkain ng hapunan at pag-uusapan natin ang tungkol sa pagkawala ng dalawang batang lalaki.”
![](https://img.wattpad.com/cover/227165450-288-k710714.jpg)
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
RandomIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...