Kabanata 33: Malayang Kaisipan

354 4 0
                                    

Kabanata XXXIII: Malayang Kaisipan

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway.

Elias: "Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan.”

Ibarra: “Maaari niyo po bang sabihin kung sino ang aking kaaway?”

Elias: “Isa lamang po ang masasabi ko, ang lalaking namatay ay narinig kong nagbabanta kagabi. Sinabi niya sa mga taong kausap na hindi kayo kakainin ng mga isda gaya ng nangyari sa inyong ama.”

Elias: “Napansin kong ilang araw na siyang nakikipag-usap kay Nol Juan upang pangasiwaan ang gawaing ukol sa panghugos. Ipinakita niya ang kaniyang pagiging bihasa subalit hindi naman siya humingi ng mataas na sahod. Naghinala ako sa kaniyang ikinikilos kaya’t binigyan ko kayo ng babala.”

Ibarra: “Kung hindi siya namatay, sana’y matutuklasan ko mula sa kaniya ang ilang mahalagang impormasyon.”

Elias: “Kung nakaligtas siya’y hindi siya mauusig. Kusa na siyang hinatulan ng Diyos.”

Ibarra: “Sino po ba kayong talaga?”

Elias: “Nawalan ako ng tiwala sa tao, kaya’t naging lubusan na ang pananalig ko sa Diyos. Walang katarungan ang tao kung humatol.”

Elias: “Mag-iingat kayo. Kailangang manatili kayong ligtas para sa kapakanan ng ating bayan.”

Pagkatapos sabihin iyon ni Elias ay nagpaalam na siya kay Ibarra at nilisan na ang tahanan ng binata. Naiwan naman si Crisostomo na malalim ang iniisip.

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon