Kabanata 34: Ang Pananghalian

372 3 0
                                    

Kabanata XXXIV: Ang Pananghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.

Dumating si Padre Damaso matapos ang pananghalian, binati nito ang lahat maliban kay Crisostomo. Binasag ni Padre Damaso ang katahimikan.

Padre Damaso: “Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?”

Alkalde: “Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at revencia.”

Padre Damaso: “Baliwala saakin ang mga arkitekto. Nakakatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng kamangmangan ang isang Indio na nagdudunung- dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng simbahang yan.”

Alkalde: “Subalit ang ipinapatayong gusali ni Ginoong Ibarra ay nangangailangan ng isang eksperto.”

Padre Damaso: “Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali.”

Nanatiling walang imik si Ibarra kahit siya’y pinagtitinginan na ng mga tao, batid ng mga ito na siya ang pinasasaringan ng Pari.

Padre Damaso: “Isipin ninyo na ang isang pinakahamak sa aming mga Pransiskano ay nakapagpatayo ng isang pagamutang maganda sa isang napakamurang halaga. Nagbayad lamang siya ng walong kuwalta isang araw sa mga manggagawang galling pa sa ibang bansa.”

Alkalde: “Walong kuwalta?”

Padre Damaso: “Iyan ang katotohanan at siyang dapat tularan ng isang naghahangad na masabing mabuting kastila.  Ang isang Indio na nagkaroon lamang ng kaunting nalalaman at nakapunta sa Europa’y nagpapalagay na halos isang doctor.”

Alkalde: “Sandali lamang, Padre Damaso.”

Padre Damaso: “Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang—

Ibarra: “Ako naman ang pakinggan ninyo sa aking mga sasabihin. Pinakaiwas- iwasan ko ang taong ito subalit dinala siya saakin ng Diyos para ako ang humatol.”

Ibarra: “Mabuting tao ang aking ama. Siya’y naglingkod ng tapat sa bayan. Nagtiis ng kalungkutan para sa isang anak. At ang paring ito ay pinatuloy at pinakain sa loob ng aming tahanan. Ngunit ano ang kaniyang iginanti? Ipinausig niya ang aking ama at ibinilanggo. Hindi pa iyon nagging sapat sa kaniya. Pati ang libingan ng aking ama ay kaniyang hinamak. Ngayon ay patuloy parin ang kaniyang panghahamak at pag-aalipusta. Kayong mga makapangyarihan, hindi ba’t karapat- dapat lamang siyang mamatay?”

(Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Damaso sa dibdib nang awatin siya ni Maria Clara)

Maria Clara: “Crisostomo huwag!!”

(Nanginginig ang kamay ni Crisostomo. Nanghihinang binitawan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala sa karamihan ng tao.)

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon