Kabanata VII: Suyuan sa Asotea
Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Tiya Isabel: “Maria anak, saan mo gustong magpunta ngayon?”
Maria: “Gusto ko na pong umuwi.”
Tiya Isabel: “Kung iyan ang gusto mo.”
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago.
Kapitan Tiyago; “Mas makakabuti nga siguronng magbakasyon ka muna para makalanghap ng sariwang hangin. Saan mo gustong magbakasyon? Sa alabon o San Diego?”
Natigilan si Maria sa sinabi ng ama,. Lalo pa siyang kinabahan ng mabanggit ang bayan ng san Diego.
Kapitan Tiyago: “Ang mabuti pa siguro’y bumalik na kayo ng Tiya Isabel mo sa beateryo at kunin na lahat ng iyong damit. Hindi kana babalik doon kaya magpaalam ka ng tuluyan sa mga kaibigan mo.”
Tiya Isabel: “Sa San Diego na lamang dahil mas malaki ang bahay doon at isa pa’y malapit na ang pista.”
Sabad ni Tiya Isabel.
Kapitan Tiyago: “Ikaw pala, Don Crisostomo!”
Napatda si Maria Clara lalo ng marinig ang tinig ng binatang bagong dating. Patakbo siyang nagtungo sa silid dasalan. Napangiti na lamang sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel dahil sa iginawi ng dalaga.
Nabigla si maria clara nang bumungad sa kanyang harap ang tiyahin habang sinisilip niya si Ibarra at ang ama habang paakyat sa hagdan mula sa maliit na butas ng susian ng kaniyang silid. Sa tuwa ay nahalikan at niyakap niya ang matangdang babae. Labis ang galak ang kanyang naramdaman at namamalas ito ng matandang babae. Pinag-ayos siya niton ng bihisan upang maharap na ang bisitang babae.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel.
Maria: “Lagi mo akong naaalala? O sadyang naging makakalimutin ka na dahil sa mga magagandang dilag na nakilala o sa iyong paglalakbay?”
Ibarra: “Paano kita malilimutan gayong ang tinig mo’y aking naririnig sa gubat ng Alemanya? Inusal- usal ko ang iyong pangalan kahit saang dako ako mapadpad. Walang lugar na hindi kita kapiling.”
Natuwa si Maria sa kaniyang narinig.
Ibarra: “Ilang parusa na ang tinanggap ko mula sa aking kompesor na nagsabing kaliutan na kita. Ngunit hindi ko parin magawa.”
Biglang namutla si Ibarra sa alalahaning araw ng mga patay kinabukasan.
Ibarra: “Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umalis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
AcakIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...