Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

644 3 0
                                    

Kabanata II: Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.

Kapitan Tiyago: “Magandang araw Padre, nais ko lamang ipakilala sa’yo si Crisostomo Ibarra, siya ay anak ng aking kaibigang namayapa na. Sa katunayan kararating pa lamang niya buhat sa pitong  taong pag-aaral sa Europa.”

Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra sa Padre Damaso.

Ibarra: “Magandang araw po, naaala niyo po ba ang aking ama? Diba matalik kayong magkaibigan?”
Padre Damaso: “Paumanhin ngunit hindi ko kilala ang iyong ama o kahit na sinong Ibarra.”

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.

Tinyente: “Mabuti na lamang at nakarating ka ng ligtas Crisostomo."

Ibarra: “Maraming Salamat po Tinyente.”

Tinyente: “Sana ay higit ka pang maging mas mapalad sa iyong ama. Isang mabait at marangal na tao ang iyong ama, sana ay tularan mo rin siya.”

Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.

Ibarra: “Magandang araw, ako nga pala si Crisostomo Ibarra. Ano nga ba inyong pangalan mga binibini?”
Ngunit walang imik lamang siyang tinignan ng mga ito.

Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.

Habang abala sa pagpapakilala ay bigla siyang nilapitan ni Kapitan Tinong.

Kapitan Tinong: “Ibarra!”

Ibarra: “Ano po iyon?”

Kapitan Tinong: “Nais ko lamang imbitahan ka sa isang pananghalian bukas, mapaaanyayahan mo ba ako?”

Ibarra: “Ipagpaumanhin niyo po ngunit hindi ko po matatanggap ang inyong paanyaya sa kadahilanang nakatakda akong magtungo sa San Diego bukas”

Kapitan Tinong: “Ganoon ba? Sana sa susunod mapaanyayahan mo na ako.”

Ibarra: “Ako po’y umaasa, salamat po sa pag-imbita.”

Kapitan Tinong: “Walang anuman sana maging ligtas ang iyong paglalakbay sa san Diego bukas.”

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon