Kabanata 43: Mga Balak

561 2 0
                                    

Kabanata 43: Mga Balak

Scene 1

(Papasok si Padre Damaso sa silid ni Maria, at uupo sa kama)

Padre Damaso: “Maria anak, hindi ka mamatay.”

(tatayo si damaso at pupunta sa ilalim ng balkonahe at doon iiyak)

Scene 2

Sa balkonahe

Linares: “Magandang umaga po ako si Alfonso Linares. Ako po ang inaanak ng iyong bayaw na si Carlicos.”

Padre Damaso: “Ikaw pala ang tinutukoy niya sa sulat.”

(may kukunin na papel si linares mula sa  kanyang bulsa)

Linares: “Natanggap po akong maging abogado sa unibersidad central.”

(babasahin ni damaso ang sulat)

Padre damaso: “Kung ganon ay madali lamang kitang maipapasok sa trabaho, ngunit kung asawa… mahihirapan akong ihanap ka ng mapapangasawa.”

Linares: “Hindi naman po ako nagmamadali.”

Padre Damaso: “Asawa? ………………… Ang mabuti pa’y kausapin  natin si Santiago.”

Scene 3

(pabalik balik si Salvi sa kwarto ni Maria)

(may lalapit na utusan)

Utusan: “May naghahanap po sa inyo padre kura)

(lalabas si salvi at pakikiharapan ang taong naghahanap sa kanya)

Padre Salvi: “Sino ka?”

Lucas: “Ako po ang kapatid ng lalaking namatay.”

Padre Salvi: “Anong kailangan mo saakin?”

Lucas: “Nanggaling ako kay ginoong Ibarra upang humingi ng karampatang bayad sa  pagkamatay ng aking kapatid pero sinaktan niya lamang ako at sinabing hindi siya magbabayad dahil nanganib din ang kanyang buhay.”

Padre Salvi: “Hindi ka tagarito lalaki.”

Lucas; “Kilala po ako ng taga lalawigan.”

Padre Salvi: “Magpasalamat ka at hindi na ipinabilanggo ni ginoong Ibarra.”

Lucas: “Akala ko’y isa kang pari.”

Padre Salvi: “Lumayas ka na ditto!”

Lucas: “Maaari ko bang makausap si Padre Damaso?”

Padre Salvi: “Marami siyang ginagawa kaya umalis ka na ngayon din!”

(napilitang umalis si Lucas)

(nagmamadaling pumunta doon sina Padre Damaso, Tiyago at Linares)

Padre Damaso: “Bakit ka sumisisigaw padre?”

Padre Salvi: “May isang lalaking tamad at namamalimos.”

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon