Kabanata 40: Karapatan at Lakas

371 4 0
                                    

Kabanata 40: Karapatan at Lakas

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.

Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.

Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.

Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.

(lalapit si padre salvi kay don filipo)

Salvi: “Bakit nandito ang excomunicadong yan? Di ba dapat na paalisin mo siya?”

Don Filipo: “Dinaramdam ko pong hindi ko magagawa ang inyong pinag-uutos. Si Ginoong Crisostomo po’y nag-abuloy ng malaking halaga at may karapatan siyang anatili ditto sapagkat hindi naman siya nanggugulo.”

Salvi: “Hindi ba’t isang kasamaan ang saktan ang isang mabuting kristiyano? Pananagutan ninyo ang bagay na ito sa harap ng Diyos.”

Don Filipo: “Pananagutan ko po ang mga bagay na may sarili akong kapasyahan. Hindi naman po namimilit si Ginoong Crisostomo na makipag-usap kaninuman kaya’t maaari siyang layuan ng sino mang may ayaw sa kaniya.”

Salvi: “Siya’y isang taong mapanganib.”

Don Filipo: “Sa akin pong kaalaman, siya’y kausap ni Kapitan Heneral at alkalde sa buong maghapon kaya wala kayong dapat ipangamba sa kaniya.”
Salvi: “Kung gayon kami na lang ang aalis.”

(Aalis na si Padre Salvi at ang kanyang mga kasaang pari)

May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa ng edad Media.

(lalapit si Ibarra sa mga dalaga)

Ibarra: “Mga binibini maaari bang ipagpaalam niyo na lamang ako kay Maria? Ako kasi’y aalis muna dahil may nakalimutan akong tipan.”

Sinang: “Teka lamang Crisostomo. Sasayaaw si Yeyeng nng La Calandria. Magaling siyang sumayaw kaya huwag ka munang umalis.”

Ibarra: “Huwag kang mag-alala Sinang babalik din naman ako agad, pakisabi nalang ito kay Maria.”

(aalis na si Ibarra)

Lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.

May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra.

(Nagkakagulo)

Ibarra: “Maria! Maria!”

(kakapit sa bisig ni Ibarra ang mga dalagang takot na takot)

(umusal ng dasal si tiya Isabel *mouth language*)

Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin.

(lalapit kay Ibarra)

Don Filipo: “Pakiusap Ibarra gumawa ka ng paraan para tumigil sila”

Ibarra: “Ano ang aking magagawa?”

(makikita si Elias, lalapit siya at makikiusap)

Ibarra: “Tulungan ninyo ako alang-alang sa Diyos, ako’y walang magagawa.”

(tutugon si Elias at lalapit sa mga lalaking nagsimula ng gulo.”

(nag-uusap kunuhay, tatango ang dalawa at mapapai na ang kaguluhan)

Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan.

(Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi)

Noli Me Tangere (Role Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon