Kabanata XIV: Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya.
Kapitan: “Masaya yata kayo ngayon?”
Tasyo: “Dahil may natatanaw akong pag-asa?”
Kapitan: “Ano pong pag-asa iyon? Maari ko bang malaman?”
Tasyo: “Isang malaking unos.”
Kapitan: “Nais ninyo marahil na maligo.”
Tasyo: “Hindi masamang makatisod ng basura ngunit nag- hihintay ako ng lalong mabuting bagay. Iyang mga kidlat na papatay ng mga tao at susunog ng mga bahay.”
Kapitan: “Tila nais na ninyong magunaw ang mundo o magkaroon ng delubyo, Pilosopong Tasyo.”
Tumalikod na humahalakhak si Pilosopong Tasyo at pumasok sa loob ng simbahan, nakita niya sa loob ng simbahan ang dalawang batang lalaki na ay edad 10 at 7.
Tasyo: “Hindi pa ba kayo uuwi? Nagihintay ang inyong ina sa inyong pagdating at naghanda siya ng masaganang pagkain gaya ng inihahanda sa isang kura.”
Basilio: “Hindi pa kami maaaring umuwi hangga’t wala pang ikawalo ng gabi. Utos iyan saamin ng Sakristan Mayor.”
Tasyo: “Aakyat kayo ng kampanaryo? Mag-iingat kayo at huwag na huwag lalapit sa kampana kapag kumukulog.”
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan.
Don Filipo: “Nagkita ba kayo ni Ginoong Ibarra sa libingan? Hinahanap niya ang puntod ng kanyang ama. Kaysaklap sa oras na matuklasan niya ang katotohanan.”
Tasyo: “Kabilang ako sa anim na nakipaglibing kay Don Rafael at ako ang humarap bilang saksi sa Kapitan Heneral dahil ang lahat dito ay natatakot magsabi ng katotohanan. Nagsawalang kibo ang mga makapangyarihan sa sinapit ni Don Rafael lalo na sa ginawang paglapastangan sa kanyang bangkay ngunit para saakin, higit na mahalaga ang bigyang halaga ang isang mabuting tao kung siya’y nabubuhay.”
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naniniwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...