Kabanata 35: Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing…
Kapitan Maria: “Anong mararamdaman mo kung sakaling marinig ninyong hinamak ang namatay ninyong asawa ngunit walang ginawa ang anak ninyong si Antonio?”
Hermana Rufa: “Hindi ko siya bebindisyunan!”
Kapitan Tinay: “Hindi koi yon kayang gawin sa aking anak, hindi ko maipagkakait ang aking bendisyun. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko pa alam ang aking gagawin.”
Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.

BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
De TodoIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...