~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[5:37 AM]
[At The Classroom]
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Scene:
-Kakapasok lang namin nila Yoongi at Erika sa classroom at nakita namin sila Jin, Hoseok, Namjoon at Jimin na nakaupo sa upuan nila. Nagtaka ako dahil wala sila Jungkook at Taehyung. Nasaan kaya sila?
"Oh! Nandito na pala sila Y/n.. Goodmorning!" Bati ni Jin sa aming tatlo.
"Goodmorning guys!" Bati ko pabalik sabay napatingin sa akin sila Namjoon, Hoseok at Jimin.
"Hi Y/n!" Bati nila Namjoon at Hoseok sakin
"Goodmorning Hyung! Goodmorning Y/n at Erika!!" Bati ni Jimin sabay ngumiti siya..
-Umupo na kaming tatlo sa upuan namin dahil baka mangalay lang kami kapag nakatayo kami magdamag. Tinanong ko sakanila kung nasaan yung dalawa at sinagot naman ito ni Hoseok.
"Nasaan pala sila Jungkook at Taehyung?? Diba dapat kasabay niyo silang dalawa?" Tanong ko.
"Ah. Actually inutusan sila ni Mrs. Jeongyum sa 4th floor. Ang aga kasi nilang pumasok eh. Yan tuloy nautusan sila." Sabi ni Hoseok sabay napatawa si Jimin.
"Ahhh. Kaya pala wala si Mrs. Jeongyum dito eh." Banggit ni Erika sabay may biglang pumasok sa kwarto at napalingon kaming lahat.
-Nakita namin sila Jungkook at Taehyung na may dala dalang libro. Napanganga sila Jin at Yoongi dahil alam nilang may dadagdag na libro sa bag namin at bibigat lalo.
"Ano yan?" Tanong ni Jimin
"Edi mga libro! Ano pa ba?" Sabi ni Taehyung sabay nilapag na nilang dalawa yung mga libro na dala dala nila.
"Oo alam kong mga libro yan pero anong subject?"
"Dapat kasi sinabi mo na " Anong subject yan?" Ganun! Hindi yung hindi mo nililinaw yung mga tinatanong mo." Sabi ni Taehyung sabay umupo na silang dalawa at nakita namin na pumasok si Mrs. Jeongyum sa kabilang pintuan at binati namin siya.
"Goodmorning Mrs. Jeongyum!" Bati naming lahat sabay tumayo kami.
"Goodmorning!" Sabi ni Mrs. Jeongyum habang may inaasikaso siyang mga papel.
-Umupo na kaming lahat at bumulong ako kay Erika dahil katabi ko lang naman siya.
"Sa tingin mo, ano kaya yung subject na yan?" Bulong ko sakanya
"Hmm.. Baka history?"
"Parang di naman eh.." Sabi ko sabay nagsalita si Namjoon sa likod
BINABASA MO ANG
Seven Boys Falling in love with you
FanfictionPitong lalaki na nagmamahal sayo, sino sakanila ang pipillin mo? •Tagalog FF story •Seven boys falling in love with you -EzyBangtanSpazzeu