PROLOGUE

588 85 52
                                    

Prologue

Pag-aaral.

Iyan ang tanging importante para sa akin. Isa 'kong Grade 10 student ng Gonzales International High School O GIHS kung tawagin nila. Talino at tiyaga ang pinuhunan ko makapasok lang sa prestihiyosong paaralang ito. Hindi naging madali pero kinaya naman. Mahal ang tuition sa paaralan na ito kaya mabuti at isa akong scholar na sa lahat ng nag-apply sampu lang kaming pumasa. Hindi biro and mga estudyanteng nag-aaral dito.Lahat ng mag-aaral may kanya-kanyang galing at talento. Mahirap makipagsabayan lalo na sa mga seniors.

Ako, pag-aaral lang talaga ang pinakamahalaga sa akin. Hindi na sana ako kukuha pa ng specialization kaso required kaya no choice ako. Sa lahat ng courses isa lang ang nakakuha ng atensyon ko, ang pagsasayaw.

Nagmula ako sa pamilya ng mga dancer kaya nakahiligan ko na ring sumayaw. Pero kung tutuusin isa ako sa pinakamadalang sumayaw sa pamilya namin. Mas tutok kasi ako sa pag-aaral ko.

Sa batch naming isa ako sa laging napapasama sa Top 10. Member din ako ng Dance Troupe ng School. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko binibigay ko talaga ang best ko.

Isang normal na araw. Papasok ako lahat ng subject ko at sa last 2 hours ng schedule ko papasok naman ako sa course ko.

"Uy, Jen malapit na naman exam ah. Paniguradong ikaw na naman Top 1 dito sa section natin." Nagliligpit na ko ng mga gamit ko ng sabihin 'yun ng isa sa mga kaklase ko.

"Naku, hindi pa nga nageexam eh. Wag muna kayong mag-conclude." Sinabi ko ng nakangiti. Hangga't maari kasi ayokong maging mayabang sa kabila ng mga achievements na nakukuha ko. Wala naman akong mapapala kung magmamayabang ako.

"Pahumble ka pa. Eh, iyan naman lagi ang sinasabi mo kapag may exam na eh. Tapos sa huli ikaw pa rin naman ung Top 1. Biruuin mo mula ng nagaral ka dito lahat ng section na napuntahan mo laging ikaw ang Top 1. Kaya 'matik na 'yun na ikaw ulit ang Top 1 this grading." Ngiti na lang ang isinukli ko sa sinabi nya.

Sa school na ito kasi rumble ang pagdidistribute ng mga student in every section. Walang first section. Kay pantay pantay lang lahat. Meron lang talagang mga estudyanteng nangunguna at mas magagaling.

Papunta na ko sa course ko at balak sanang dumaan muna sa canteen dahil on the way naman at may 10 minutes pa ko bago magsimula ang klase nang may madaanan akong isang grupo. Hindi pamilyar and mga mukha nila at mukhang naliligaw pa ata sila. Tatlong lalaki at dalawang babae. Hindi ko na sana sila papansinin pa nang tawagin ako nung isang lalaki sa grupo nila.

"Miss!" napalingon naman ako sa kanila at tumigil sa paglalakad. Lumapit sila sa akin.

"Magtatanong lang sana. Saan 'yung room ng dancing course dito?" ngiting tanong nung isang lalaki na medyo singit.

"Diretsuhin nyo lang iyang hallway na iyan tapos makikita nyo 'yung room sa dulo na may sign na Dancing Course sa pintuan." Nakangiting sagot ko.

"Ah, ganun. Sige sige, Thank you!" nginitian ko na lang sila.

"Oh! Doon daw ah. Ito kasing si Matt eh, nagmamarunong pa. Kung kanina pa tayo nagtanong edi sana andoon na tayo." Rinig kong sabi nung singkit at nauna na silang naglakad sa akin.

"Eh, malay ko bang marami na palang nagbago sa school na 'to." Iyon ang huling narinig ko bago ako lumiko papuntang canteen.

Pagkabili ko pumunta na agad ako sa room. Tatlong minuto pa bago dumating si Sir Karl kaya pagkaupo ko sa upuan ko sa gawing likod kinain ko na lang 'yung tinapay na binili ko sa canteen. Habang kumakain napansin ko naman sa unahan 'yung grupo na nagtanong sa akin kanina.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon