CHAPTER 13

68 10 5
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT. I REALLY WANT TO KNOW YOUR THOUGHTS.
HAPPY READING ZSCARLETS. ^_^

CHAPTER 13

Nakabalik kami sa hotel pero parang lutang pa rin ako. Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Mabuti na lang at nandoon si Shi kung hindi ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kahit pilit ko mang kalimutan ay naaalala ko ang pag-alis nila Papa noon. Palaisipan pa rin sa akin ang totoong dahilan nila noon. Tapos ngayon iyong kay JM. Wala akong naiitindihan sa lahat ng mga nangyayari.

Pagdating namin sa room ay nandoon na silang lahat. Si Matt kaagad ang una kong nakita. Naalala ko ang mga nangyari kanina bago kami umalis. Nakadagdag pa iyon sa isipin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano na bang nangyayari? Bakit nagkasabay-sabay pa ang mga problema ko ngayon? Ngayon pa na may nalalapit kaming contest. Baka hindi ako makapagfocus.

"Saan kayo nanggaling?" tanong ni Annalyn. Si Annalyn pa pala. Napataban na lang ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot doon. Agad iyong napansin ni Shi na nasa tabi ko.

"Hey. Are you okay?" tanong niya.

"Medyo masakit lang ang ulo ko. Pero okay lang ako. Wag kang mag-alala." Nginitian ko siya. Pumunta ako sa isang kama kung saan walang naka-upo. Agad na akong humiga. Ayokong sagutin ngayon ang mga tanong nila. Itutulog ko na lang ito. Nag-babaka sakaling pag-gising ko ay mawawala na ang lahat ng isipin ko na parang bula.

Nagising ako dahil naiihi ako. Madilim pa at tanging sinag lang ng buwan ang nag-iilaw sa akin. Tumayo ako at pumunta na ng CR. Pagbalik ko sa kama ay saka ko lang napansin na si Shi pala ang katabi ko. Napatingin din ako sa dalawa pang kama.

Ang inaasahan ko ay si Yuki ang tatabihan ni Shi dahil sila ang magkapatid pero si Andire and katabi ni Yuki ngayon at si Matt at Annalyn naman sa isa pang kama. Muli akong napatingin kay Shi na mahimbing na natutulog. Alam kong nasaktan ko din siya kanina pero hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin kahit ganoon. Napaka-buti niyang tao.

Tinignan ko silang lahat. Kahit na natutulog lang sila. Kitang-kita na sobrang komportable na sila sa isa't isa. Kahit sino ang katabi nila kakikitaan mo sa mga mukha nila na wala na silang pangamba sa isa't isa. Nakakalungkot lang na sa pagdating ko may nagkasiraan sa kanila.

Sa dami ng problema ko na sabay-sabay na bumuhos sa utak ko ay tuluyan na akong naiyak. Napatalungko na lang ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Iniyak ko lahat nang gabing iyon. Lahat ng problema ko ay sinigurado ko ng mai-iiyak ko. Ayaw kong maka-apekto ang mga iyon sa performance naming sa contest.

Kinabukasan ay maagang gumising ang lahat para mag-practice. Kagabi ay bumalik din ako sa kama nang tumahan na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at walang nagising sa kanila.

"Guys. This is our last week to practice. Let's give our best. Wag niyong hahayaan na madistract kayo dahil isang pagkakamali niyo ay makakabawas sa puntos. Maari rin kayong masakatan. Above all be careful and enjoy while dancing." Ani Shi at nagsimula na nga kaming mag-practice.

Gusto ko mang sundin si Shi ay hindi ako makapag-focus. Nadidistract ako dahil si Matt ang partner ko. Dapat pala ay pagkatapos na lang ng contest saka ko sinabi sa kaniya iyon. Naiilang tuloy ako ngayon.

Ang dami kong mali sa sayaw. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo namin. Sana naman ay manalo kami para kahit papaano ay hindi sila masyadong malulungkot, kung malulungkot nga ba sila, sa pag-alis ko sa grupo pagkatapos ng graduation.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon