A/N: EXPECT TYPOS,WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^This chapter is dedicated to blacklodi.
Thank you sa pag-notice sa story ko.
Really appreciate it at sobrang namotivate mo pa kong tapusin ang story na ito.Chapter 28
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang emosyon na nabasa ko sa mukha niya. Baka namamalik-mata lang ako pero halos sampung minuto na kaming magkatitigan ay iyon pa rin ang nakikita kong emosyon. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kahit na nakatingin ako sa kaniya. Noon ko lang napagtanto na baka hindi niya naaninag ang mukha ko dahil nakatalikod ako sa liwanag, samantalang siya ay kitang-kita ko.
Hindi ako gumalaw at pinanindigan ang pagkukunwaring natutulog na dahil parang may nagsasabi sa akin na maghintay pa ako ng kaunti. Na hintayin ko kung ano pang mangyayari. Isa pa hindi rin ako makatulog dahil sa sobrang lito.
Bakit parang lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya? Lungkot na may kahalong pangungulila. Hindi ko talaga maintindihan. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero ayaw akong lubayan ng isip kong hindi mapakali, ng puso kong nagsisimulang bumilis ang pagtibok. Pinaghalong kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam ang nagpapabilis noon. Pakiramdam na parang naramdaman ko na dati pero hindi ko matandaan kung kailan.
Pinanatili ko ang mabagal na paghinga para maisip niya na tulog na talaga ako. Nagulat ako at muntik nang mahigit ang hininga nang ilahad niya ang kamay niya papunta sa gawi ko na hindi tinatanggal ang pagkakatingin sa akin. Parang gusto niya akong abutin. Kaya naman niya dahil hindi naman gaanong malayo ang pagitan ng bawat kama pero kita kong pinipilit niyang hindi ako maabot. Natatakot sigurong malaman ko ang ginagawa niya kapag nagising ako dahil ang alam niya tulog na ako.
“Ang isang business man dapat sigurado palagi. Dapat lahat ng hakbang o kahit na ang simpleng pagsasalita lang ay dapat pinag-iisipan. Isang maling salita mo malaki ang magiging epekto sa kumpanya mo.” dahil malapit lang ang pagitan namin na halos isang metro lang ay rinig ko ang sinasabi niya kahit na pabulong iyon.
Sa mga sinabi niya ay mas lalo akong ginulo ng isip ko. Mas lalo akong hindi hinayaang matulog at binigyan pa ng dahilan para pakinggan kung ano pang nais niyang sabihin. Hindi pa niya ibinababa ang mga kamay niyang pilit akong inaabot pero hindi naman umaabot dahil sa pagpigil niya.
“I’m a business man. I need to be careful in my every step. In every words that coming out from my mouth but…” huminto siya at tiningnan lang ako. Iyong kamay niyang pilit akong inaabot ay ikinuyom niya. Nakakuyom iyon ng napakahigpit dahil lumalabas ang ugat sa mga kamay niya. “when it comes to you I can’t think straight. Para akong isang dibateryang robot na walang baterya at ikaw naman ang baterya. Hindi ako gagana kapag wala ka. Pero pagdumating ka na, kahit anong pigil ko makita lang kita hindi ko na naayos ang ikinikilos at sinasabi ko. Bakit para akong robot na kapag nandyan ka saka lang gagana at ikaw na ang bahalang kumotrol sa nararamdaman at gagawin ko. Para akong sunud-sunuran. I really can’t understand.” At kitang kita ko kung paanong mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya.
“Kinalimutan na kita eh. I know I already forget about you. Ginawa ko talaga lahat. Nagawa ko naman iyon kaso ngayong nakita na kita ulit bakit para may nag-iba na naman? Bakit may nagbabalik na matagal ko ng pinaalis? Bakit?” ramdam ko ang lungkot sa mga sinasabi niya at nahaluan pa iyon ng pagkalito.
Pati tuloy ako hindi ko na rin maintindihan. Ano bang nangyayari sa kanya? May girlfriend na siya kaya bakit sinasabi pa niya ito? Hindi ko na talaga naiintidihan. Unti-unti niyang ibinalik ang kamay niyang nakalahad sa kama. Ang kaninang mga mata niyang puno ng lungkot, pangungulila at pagkalito ay napalitan ng determinasyon.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...