CHAPTER 1

313 66 41
                                    

CHAPTER 1

Umagang-umaga pero eto ako at nakatulala lang sa bubong ng bahay namin. Kanina pa ako gising pero walang lakas ang katawan ko para bumangon. Sabado ngayon at walang pasok pero may practice pa ako para sa performance. Mamayang 10 AM ko balak umalis ng bahay papuntang school. Alas-singko ng umaga nang magising ako at hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakahiga at nakatutula lang dito. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin pumapasok ang lahat sa utak ko. Matalino naman ako. Mabilis ding umunawa pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin napoproseso ng utak ko iyong nangyari kahapon.

"Siya, siya ang napili namin." Nakaturong sabi ni Shisuke habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Ako?" Mababakas ang pagtataka sa aking mukha habang nakaturo pa ako sa aking sarili. Bakit ako?

"Okay class, that's all for today. You can leave." Maagang pagpapauwi naman ni Sir Karl sa buong klase.

"Except you. Of course, Miss Cruz." Napatingin ako kay Sir, nagtataka.

Wala na akong nagawa kung hindi ang magpaiwan. Ang sama ba naman ng tingin ni Sir sa akin. Paano pa ako makakatanggi? Matapos makalabas lahat ng kaklase namin ay lumapit si Shisuke sa akin kasama si Sir.

"Sir, ano po bang nangyayari?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"You already knew that Mr. Tsuru and his group is from Japan. Right?" tumango naman ako bilang sagot.

"Nandito sila dahil kailangan nilang humanap pa ng isang pwedeng maging miyembro ng kanilang grupo because their former group mate has died."

"Pero bakit po ako?" Nagtatakang tanong ko pa rin.

"Well, we see something in you that we didn't see in others." Magkakrus pa ang mga brasong sagot ni Shisuke sa tanong ko.

"Iyon lang? Eh, ano bang meron sa akin? Kung tutuusin kasi maraming pang mas magaling sa akin sa mga kaklase natin, kaya bakit ako?" Hindi ko pa rin maintindihang sagot sa kanya.

"If she doesn't like it then so be it, don't force her. Just find another one." Walang emosyong sabat ni Shirayuki.

"No! Yuki naman. Alam mo namang kailangan na nating makahanap ng bagong member sa lalong madaling panahon diba? Kaya siya, siya talaga ang sa tingin kong babagay sa grupo natin. Diba guys?"

"Hai!" sabay sabay pa na sagot ng iba nilang kagrupo. Napa-irap na lang si Shirayuki.

"Mr.Tsuru, ikaw na ang bahala dito. May gagawin pa ako." Paalam ni Sir at tuluyan na ngang lumabas ng room. Naiwan kaming anim at hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Bakit ako? Iyan ang tanong na hindi masagot-sagot ng kahit anong sinabi nila ngayon.

"So, miss. From this day on you're one of us." Pagkangiti-ngiting sambit ni Andrie na tumabi pa kay Shisuke kasama ang iba pa.

"Welcome to the group!" sabay sabay na bati nila maliban kay Shirayuki na nakatayo lang ng magkakrus ang mga braso at hindi nakaiwas sa paningin ko iyong pag-irap na naman na ginawa niya.

Wala akong nagawa kundi ang bumangon na at isantabi muna ang bagay na iyon. Kailangan ko pang tumulong sa mga gawaing bahay bago ako umalis. Nang matapos akong tumulong sa gawaing bahay, gumayak na ako.

Pagkarating ko sa school ay marami-rami akong nakikitang estudyante. Malapit na nga pala kasi ang quarterly examination, so ibig sabihin malapit na rin ang mga performances. Dumiretso na ako sa dancing room.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon