A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FELL FREE TO COMMENT. I WANT TO HEAR YOUR THOUGHTS.
HAPPY READING ^_^CHAPTER 16
"Welcome to Yume University!" sabay-sabay na bati ng mga kasama ko at ng mga estudyante pero eto ako at nakatulala lang sa kaniya hanggang sa makarating siya sa harapan kung nasaan si Dean.
"Thank you. By the way I'm John Matthew Alvarez and I am the owner of Yume University. Nice meeting you all." Nakangiting bati niya.
Nakatulala lang ako sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit na nagsimula ng magsipuntahan sa kaniya ang mga kasamahan kong professor para makipag-kamay. Nabalik lang ako sa ulirat ng may kumalabit sa akin.
"Miss Cruz. Tara at makipag-kamay din tayo sa kaniya." Nagsimulang mag-lakad si Mr Ramos kaya naglakad na rin ako. Hindi kami kaagad nakalapit sa kaniya dahil sa iba pa naming mga co-prof. Nang si Mr Ramos na ang kakamayan niya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Umalis si Mr Ramos sa harapan ko at nakita na niya ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at ng nasa harapan na niya ako ay inilahad ko ang kamay ko. Hindi ko siya tinitignan sa mukha at doon lang ako sa kamay ko ako nakatingin. Tinanggap niya ang kamay ko.
"Nice to meet you Miss..." para akong hindi nakahinga ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang pangalan ko o hindi. Hindi ba niya ako nakilala?
"J-Jenny M-Mitch Cruz....Sir." naramdaman ko ang paghigpit ng taban niya sa kamay ko. Mukhang hindi nga niya ako nakilala kanina. Unti-unti kong iniaangat ang mukha ko para makita niya ako. Nang nagtama ang paningin namin ay nagbalik na naman ang mga ala-ala. Mga ala-alang dapat ko ng kalimutan.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkatitigan lang. Natauhan lang kami ng umubo ng pabiro si Mr Ramos na nasa tabi ko pa rin pala at pinapayungan ako.
"Ehem.. Nice to meeting you Miss Jenny MITCH Cruz." Titig na titig siya sa mga mata ko ng sabihin iyon at talagang nilagyan niya ng diin ang pangalan kong MITCH. Bumitaw na ako sa pagkaka-kamay namin at humarap na kay Mr Ramos.
Naglakad na kami papunta doon sa iba pang mga professor.
"Kakilala mo si Sir?" narinig kong tanong ni Mr Ramos. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.
"Ah..." napatingin ako sa kaniya at mukhang naghihintay nga siya sa isasagot ko. "Oo" iyon na lang ang sinabi ko. Hindi naman na din siya nagtanong pa.
Matapos makipagkamay at makipagkilala lahat ng professors ay pinili ni Mat--.
Ano bang itatawag ko sa kaniya?
Mas maganda siguro kung Sir Alvarez na lang.
Mas pinili ni Sir Alvarez na pauwiin na ng maaga ang mga estudyante. Pasasalamat daw niya sa pagbati nila sa kaniya kahit na mainit dito sa field. Pumunta kami sa conference room at doon ipinagpatuloy ang pag-uusap.
Halos si Dean at siya lang naman ang nag-uusap kaya pinili naming mga professor na umuwi na sana kaso may inihanda pa lang welcome party si Dean na hindi niya sinabi sa amin kasi hindi pa rin naman daw siya sigurado kung papayag si Sir Alvarez at baka daw busy ito.
Ang nangyari ay sa isang private restaurant kami tumuloy kung saan pina-reserve ni Dean ang VIP room ng nasabing restaurant. Ayoko na sanang sumama dahil hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan. Natatandaan ko pa ung huling pagkikita namin bago sila bumalik na papuntang Japan.
Si Mr Ramos kasi pinilit pa akong sumama. Siya na lang din daw ang maghahatid sa akin dahil nagco-commute lang ako papasok at pauwi. Ginatungan pa ng iba naming kasama na sumama na ako at hayaan ko na daw si Mr Ramos na ipagpatuloy ang panliligaw sa akin kaya para tumigil na din sila ay pumayag na akong sumama.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Diversos*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...