A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEKL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING ZSCARLETS!!! ^_^CHAPTER 23
Naglakad na ako pabalik sa office ko. Dahil wala naman si Sir Alvarez sa office ay dire-diretso na ang pasok ko. Hindi ko naman inaasahan na nasa loob pala sila Andrie, Shi at Yuki na naka-upo sa sofa.
"Oh Jen!" agad tumayo si Andrie at sinalubong ako ng yakap. Ganun din si Shi at Yuki.
"Napadalaw kayo?" tanong ko ng maka-upo na kami pare-pareho sa sofa.
"Nakalimutan mo na ba?" nakangusong tanong ni Andrie. Nakakunot ang noo na tumingin lang ako sa kaniya. Hindi alam kung anong sinasabi niya.
"Ikaw Jen ah, kinalimutan mo na kaagad. Hindi ba sabi namin sayo na this week matutuloy ang kwentuhan natin na naudlot. Nakapagplano na ako kung saan natin iyon itutuloy tapos kinalimutan mo naman pala." Mas lalong humaba ang pagkakanguso ni Andrie ng sabihin niya iyon. Nagtatampo.
"Ay oo nga pala." Napakamot na lang ako ulo ko. "Pasensya na nakalimutan ko." hingi ko ng paumanhin. Paano na iyan? Nakapag-paalam na ako kay Dean na aabsent ako ng three days para ipagpatuloy ang paghahanap sa pamilya ko. Ano nang gagawin ko?
"So, tuloy na tayo? Naaya ko na rin si Matt at Annalyn." Nakangiting sabi sa akin ni Shi.
Paano na iyan Jen? Paniguradong magtatampo ang mga ito sa akin. Nakalimutan ko nga lang ang sinabi nila last week nagtampo na itong si Andrie. Baka mas lalo pang magtampo ito kapag tumanggi pa ako. Siguro sa linggo ko na lang ulit ipagpapatuloy ang paghahanap kila Mama.
"Oo naman. Sige tuloy tayo." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Yehey!" masayang sabi ni Andrie. Ang problema niyan ay ang naipag-paalam ko kay Dean ay hahanapin ko ang pamilya ko kaya ako aabsent at hindi dahil sa reunion naming magkakaibigan.
"Don't worry. Kung iniisip mo na aabsent ka dahil dito ay nagpunta na si Matt sa Dean niyo para ipag-paalam ka." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Shi.
"Ipagpapaalam niya ako?" medyo napalakas ang boses ko ng sabihin iyon. Anong sasabihin ni Dean sa kaniya kapag ipinagpaalam niya ako? Baka isipin ni Dean na nagdadahilan lang ako sa kaniya at ang totoo ay maglalakwatsa lang talaga ako at hindi hahanapin ang pamilya ko. Napataban na lang ako sa noo ko. Problema ito.
"Bakit may problema ba?" Napatingin ako Andrie na katabi ko.
"Ah wala, wala." Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"Kung ganoon. Ito ang plano ko. Bukas na bukas din ay magtatravel tayo papuntang Ilocos. Wag kayong mag-aalala dahil sa private plane ko tayo sasakay." Tumingin sa akin si Andrie kaya tumingin din ako sa kaniya. "Kung hindi mo lang itatanong Jen. Ako lang naman ang may-ari ng isang sikat na airline sa Japan. Oo, minana ko iyon sa pamilya ko pero pinaghirapan ko din iyon. Alam mo bang mahirap ding mag-handle ng isang airline. Isa pa ang hirap ding mag-aral ng tungkol sa eroplano tapos sabay pa doon na tinuturuan ako ni Dad sa pag-handle ng isang business kaya hirap na hirap ako. Alam mo bang pinag-aaralan namin doon ang tungkol sa--"
"Proceed to the plan Andrie. We're not asking about your business and airplanes." Singit ni Yuki sa sinasabi ni Andrie. Kahit kailan talaga ang daldal pa rin ni Andrie. Natawa na lang kami ni Shi sa kanilang dalawa. Lalo na at ngumuso na naman si Andrie dahil sa pagputol ni Yuki sa sinasabi niya.
"Panira ka talaga kahit kailan Yuki. Nagkukwento lang eh" parang bata na sabi ni Andrie. Lalo kaming natawa ni Shi. Napatingin ako kay Shi habang tumatawa. Kung noong una ay medyo awkward kami. Ngayon ay masasabi kong okay na ulit kami.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...