WARNING!!!
ANG SUSUNOD NA BAHAGI NG KABANATANG ITO AY SPG. MAARING MAY MASESELANG TEMA, LENGUWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL, HORROR O DROGA. NA HINDI ANGKOP SA MGA MAMBABASANG HINDI OPEN MINDED. PATNUBAY NG SARILI ANG KAILANGAN.
A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 37
Hinihingal ako nang makarating sa kanto. Sa pagod sa pagtakabo at sa pag-iyak narin. Pero lahat ng iyon ay napawi ng parang isang himala. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko ngayon.
Parang kani-kanina lang ay magkasama kami at inihatid pa niya ko. Ngayon ito na naman ako sa harapan niya. Mukhang miserable dahil sa mga nalaman ko ngayon-ngayon lang. Wala na rin naman akong paki sa kung ano ang itsura ko.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya ay prenteng nakasandal lang sa gilid ng kotse niya na naka-park sa tabi ng kalsada. Nakatingin siya sa akin at mukhang hinihintay niya ko. Hindi pa rin ako matigil sa kakaiyak.
Umayos siya ng tayo at humarap sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay niya. Nagulat ako ng iniabot niya ang isa niya pang kamay sa akin. Mas lalo akong naiyak. Para bang inaaya niya kong sumama sa kaniya. Na sasama naman ako kahit saan man niya ko dalhin.
Ang gusto ko ay ang tuluyang makalayo sa apartment ko, sa mga taong nandoon ngayon. Pero hindi ko inaasahan na siya ang makakakita sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko inaasahan na siya ang sasagip sa akin ngayon.
Walang alinlangan akong tumakbo palapit sa kaniya. Hindi ko na pinansin ang nakalahad niya kamay bagkus ay niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.
Naramdaman kong hinimas niya ang buhok ko at gumanti sa yakap ko. Nang mga oras na iyon ay talagang nagpapasalamat ako dahil andiyan siya. Sa napaka-ikling panahon mula nang makita ko siya ulit ay ang dami ng nangyari, ang dami ng nagbago.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa kotse niya. Hindi na nag-abalang itanong kung saan kami pupunta. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinapanuod ang bawat poste ng ilaw na nadadaanan namin.
Kapag sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina ay hindi ko maiwasang maiyak. Pasimple ko na lang iyong pinupunasan. Pero oras na naiyak ako ay para ng sirang gripo ang mga mata ko at ayaw ng tumigil ang pagtulo ng mga luha mula dito.
Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay naramdaman ko na lang na hinapit ako ni Matt para yakapin. At sa pangalawang pagkakataon ay umiyak na naman ako sa mga bisig niya.
Kung noon kaya ay siya ang nakakita sa akin noong umiiyak ako sa classroom, ganito rin kaya ang mararamdaman ko. Iyong pakiramdam na hindi ka niya iiwan at anumang oras ay andiyan siya para sayo.
Hindi ko alam pero noong si Shi ang yumakap sa akin noon ay ibang iba sa pakiramdam ko ngayon ang naramdaman ko noon. Iyong yakap kasi ni Shi ay parang isang yakap na kinocomfort ka niya.
Pero ang mga yakap ni Matt ay parang sinasabing hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. OA man pakinggan pero pakiramdam ko ay hindi niya ako iiwan kahit na isang malakas na bagyo pa ang dadaanan namin, kahit na nasa loob kami ng isang nasusunog na bahay ay mas gugustuhin na lang niyang masunog din kasama ko kaysa ang iwan akong mag-isa.
Bakit ba kasi hindi ko ipinaglaban ang nararamdaman ko sa kaniya noon? Bakit ba kasi nagpa-dala ako sa mga sinasabi ni Annalyn? Bakit ang duwag-duwag ko?
Humiwalay siya ng yakap sa akin at tumingin siya sa akin. Taban niya ang magkabila kong pisngi. Dahan-dahang pinahid ng mga hinlalaki niya ang mga luha kong hindi pa rin humuhupa.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Rastgele*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...