CHAPTER 46

52 2 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 46

"Pumapayag ako." Seryosong sabi ko.

Wala namang sigurong mawawala kung papayag ako sa gusto niya. Sa mga nakalipas na taon ay ang pamilya ko naman talaga ang prioritize ko kaya ang palay na ang lumalapit sa manok, bakit hindi ko pa sunggaban hindi ba?

"A great decision." Pumapalakpak pa na sabi niya.

"Pero paano si Ate at si Mama?" tanong ko.

"Don't worry. Makakasama mo rin sila" nakangising sabi niya at hindi ko gusto ang nakikita ko sa mga mata niya. Mukhang may binabalak pa siyang iba.

"Second, in exchange na makasama mo ang Ate at ang mga pamangkin mo at ang assurance na hindi sila masasaktan. Kapalit ng susundin mo lahat ng instructions ko sa'yo, kahit na ano pa man iyon. Either related sa company or not." Sabi niya.

Wala akong mapanghahawakan na hindi niya ako uutusan na gumawa ng masama pero kapag naiisip ko ang mga pamangkin ko ay kumikirot ang puso ko. Ang tagal ko na silang hindi nakikita pati na rin si Ate.

"Those kids are so cute. Ang sarap nilang lamutakin, alam mo ba?" nakangising sabi niya.

"P-Pumapayag ako." Pikit matang sagot ko. Naramdaman ko ang pagtaban ni Shi sa kamay ko.

"Jen?" nagaalalang sabi niya. Noon lang ulit pumasok sa utak ko na kasama nga pala namin si Shi, na hindi ko pa rin alam kung bakit kailangang pati siya sa nandito dahil mukhang wala naman siyang kinalaman dito.

"Don't you dare intrude Mr. Tsuru. Hindi ako magdadalawang isip." Nakataas ang kilay na sabi niya kay Shi. Ibinalik na lang ulit ni Shi ang mga kamay niya sa kandungan niya at kita ang takot sa mukha niya.

"So, now that you agreed. Want to know what's in exchange to your mother? Oh!, muntik ko ng makalimutan. To be precise, in exchange to where your mother's grave?"

Para akong binuhusan ng isang timba ng tubig na may yelo. Napasandal na lang ako sa sofa. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Para akong namanhid. Natulala na lang ako.

Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na magkasama kami ni Mama. Iyong mga panahon na tinuruan niya ako sumayaw noong bata pa ako. Iyong panahon na kahit na nahihirapan na siya ay kuha pa rin siya ng kuha ng labada para lang may pera kami para sa eskwela.

Iyong panahon na kapag malungkot ako ay ginagawa niya ang lahat para sumaya ako na binibili niya pa ang paborito kong candy sa bayan at sasabihin niya sa akin na ibinigay daw sa kaniya iyon ng tindera kahit na ang totoo ay ang pambili sana ng ulam ang pinambili niya doon.

Parang sirang gripong tumulo ang mga luha ko mula sa mga mata ko, ayaw tumigil. Pinunasan ko ang mga luha ko pero sa kada luhang mapupunasan ko ay napapalitan kaagad ng panibagong luha. Naramdaman ko na lang na yinakap ako ni Shi at sa pangatlong pagkakataon ay umiyak na naman ako sa dibdib niya.

Sa haba ng panahon na hinanap ko sila na halos mawalan na ako ng pag-asa, na halos hindi ko na isipin ang sarili ko at mas pinagtuunan ang paghahanap sa kanila ay hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Mas matatanggap ko pa siguro kung hindi ko pa sila ngayon nahanap basta ba sa oras na mahanap ko sila ay magkakasama na lang kami at wala ng hahadlang pa, pero hindi iyon ang nangyari.

Bakit ba kailangang ako ang makaranas nito? Ganoon na ba karami ang kasalanan ko at ako ang nakaranas nito? Bakit? Pakiramdama ko ay hindi ko na kakayaanin pa. Nawalan na ako ng tatay at pinagdasal ko na sana ay wala ng mawala pa pero, bakit ganito? Bakit parang hindi naman niya ako narinig?

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon