CHAPTER 44

31 3 0
                                    

WARNING!!!

ANG SUSUNOD NA BAHAGI NG KABANATANG ITO AY SPG. MAARING MAY MASESELANG TEMA, LENGUWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL, HORROR O DROGA. NA HINDI ANGKOP SA MGA MAMBABASANG HINDI OPEN MINDED. PATNUBAY NG SARILI ANG KAILANGAN.

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 44

Ayaw pa ni Matt na lumabas kami dahil baka daw niloloko na naman kami ni Shi pero iba talaga ang kutob ko dito eh. Na para bang kapag hindi talaga kami lumabas ay may mangyayaring masama kay Shi.

Matapos naming magbihis ni Matt ay binuksan namin ang pintuan. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Grupo ng mga lalaking nakaitim na suit at shades ang inabutan namin habang ang isa sa kanila ay may nakatutok na baril sa ulo ni Shi.

Aaminin kong natakot ako, sobrang natakot. Natakot sa maari nilang gawin sa amin at natatakot sa mga maari pang mangyari at kung bakit nandito sila. Alam kong gagawin nila ang lahat mangyari lang ang gusto nila, napatay nga nila si Papa eh.

"Sino kayo?" sabi ni Matt at agad niya akong hinila papunta sa likudan niya. Takot na takot naman ang itsura ni Shi nang madaanan siya ng paningin ko. Naramdaman kong nanginig ang kamay ni Matt na nakataban sa kamay ko kaya napatingin ako doon.

Hindi ko na matanto kung kamay niya ba ang nanginginig o ang kamay ko, o baka naman parehong mga kamay na namin ang nanginginig dahil sa takot. Kahit sino naman siguro na nasa posisyon namin ay mararamdaman ito.

"Huwag kayong gagawa ng masama at wala ring mangyayaring masama sa inyo. Basta sumama lang si Ms. Jenny sa amin ng matiwasay ay maipapangako namin na walang masasaktan ni isa sa inyo." Sagot ng isa sa mga lalaking nakaitim.

Lumingon si Matt sa akin na may pagtataka sa mukha. Tinitigan ko lang siya at walang sinabi.

"Anong kailangan niyo kay Mitch?" tanong ni Matt.

"Wala na kayong pakialam pa doon. Ang pakay lang namin dito ay si Ms. Jenny at hindi kami inutusan na sagutin ang lahat ng tanong niyo." Biglang lumapit sa amin ni Matt ang isa sa kanila at awtomatiko namang napakapit ako ng mahigpit sa braso niya. "Mas mabuti na sumama na kayo sa amin Ms. Jenny."

Agad na iniharang ni Matt ang sarili niya upang matakpan ako at hindi hinayaan ang lalaki na makalapit sa akin.

"Don't you dare touch her!" sigaw at duro ni Matt sa nakaitim na lalaki sa harapan namin.

"Ginagawa namin ang makakaya namin para walang masaktan pero mukhang magmamatigas pa kayo. Wala na kaming ibang pagpipilian pa." sabi ng lalaki na may hawak ng baril na nakatutok sa ulo ni Shi. Kita ko ang takot sa mukha ni Shi nang dumikit ang nguso ng baril sa sintido niya.

"Huwag!" sigaw ko. "Please, huwag niyo siyang babarilin." Matapang na sabi ko. Ayaw kong may masaktan sa kanilang dalawa.

"Kung ganoon ay sumama na kayo sa amin Ms. Jenny." Sagot ng lalaking may taban kay Shi. Nagsimula ng mangilid ang mga luha ko.

"Hindi siya sasama sa inyo!" sigaw ulit ni Matt. "Dito lang siya." Sabi naman ni Matt na nasa harapan ko pa rin.

Tinabanan ko ang kamay niya at napalingon naman siya sa akin. Nang makita ko ang mga mata niya na puno ng takot ay siyang pagtulo ng mga luha ko. Umiling ako sa kaniya para pigilan siya. Wala silang magagawa kahit na anong gawin nila. Hindi nila mapipigilan ang taong gustong maghiganti.

"M-Mitch?" nagtatakang tanong niya sa akin. Umiling lang ako ng umiling sa kaniya habang umiiyak at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon