CHAPTER 5

136 52 16
                                    

CHAPTER 5

Hindi ko alam ang gagawin ko. Inilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng labi niya. Sinasabing tumahimik ako. Hindi ako makagalaw. Natatabunan ng takot at kaba ko ang kakayahan kong mag-isip.

Dahan-dahan siya gumapang palapit sa akin. Halos maiyak na ako sa sobrang takot. Lalo na ng makita ko ang ngiti niya at nakadagdag iyon sa takot ko. Akala ko matalino ako pero ngayon ay napatunayan kong kahit anong talino mo kapag naunahan ka na ng takot at kaba, mabablangko na ang utak mo.

Nabigla ako ng biglang tumilapon ang asawa ni Ate sa sahig at tumama sa mga lalagyan namin ng damit. Nakita ko si Papa na kahit mahina na ay siya palang gumawa noon. Pilit niyang kinuwelyuhan ang asawa ni Ate at sinuntok sa mukha.

Nagising sila Ate at Mama dahil sa ingay. Ako naman ay nakatulala lang kay Papa na patuloy pa ring sinusuntok ang asawa ni Ate.

"Gago ka. Anong karapatan mong pagtangkaan ang anak ko, ha? Hinayaan ko kayong dito tumira dahil naawa ako kay Marilyn at sa mga apo ko. Tapos ganito pa ang gagawin mo?" naririnig ko ang mga sinabi ni Papa pero hindi iyon maintindihan ng utak ko.

Naramdaman kong may yumakap sa akin. Pagtingin ko ay si Mama pala iyon. Tuluyan na akong naiyak. Humagulgol ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ni Mama. Pilit naman niya akong pinapatahan. Ngayon lang ako natauhan. Muntik na akong pagsamantalahan ng asawa ng Ate ko.

"Pa! Tama na! Nasasaktan na si Eric." narinig kong sabi ni Ate at pagtingin ko ay nakayakap siya sa asawa.

"Kakampihan mo pa iyang gago na iyan. Muntik na niyang rape-in si Jen tapos siya pa ang inaalala mo?" sigaw ni Papa kay Ate. Para siyang natauhan sa narinig niya. Tumingin siya sa akin. Mukhang hindi niya narinig si Papa kanina nang sabihin ang dahilan ng pagsuntok sa asawa niya. Tinitigan ako ni Ate. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya.

Napatingin naman siya sa asawa. Naluha na siya kasabay ng pag-iyak ng bunso niyang anak. Nilapitan niya ang anak at iniwan ang asawa para patahanin ito kahit na ang mismong sarili niya ay hindi niya mapatahan dahil patuloy lang siyang umiiyak.

"Lumayas ka at wag ka ng babalik dito." Sigaw ni Papa sa asawa ni Ate.

"Kung aalis siya ay aalis din kami. Sasama kami sa kanya." Napatingin si Papa sa kaniya.

"Kung iyan ang gusto mo. Bahala ka. Kapag lumabas ka ng pintuan ng bahay na ito, siguraduhin mo lang na hindi ka na babalik dahil wala ka ng pamilyang babalikan dito." Si Papa na lumabas na ng kwarto. Napatingin naman ako kay Ate na nagsisimula ng mag-impake ng mga damit nila. Pinigilan siya ni JM na nagising din pala, pero wala siyang nagawa.

Nang matapos mag-impake ay ibinigay niya sa asawa ang bunsong anak at binuhat naman si Princess na walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

"Mama, saan tayo pupunta?" inosenteng tanong ni Princess habang kinukusot pa ang mata.

"Aalis tayo anak. Pupunta tayo sa magandang lugar."pilit ang pagkakangiti naman niyang paliwanag sa anak.

"Sa Barbie Land po?" pagkalaki-laki naman ang ngiti ng anak sa kanya. Naiyak na naman ako. Gusto kong pigilan si Ate pero sa tuwing maaalala ko ang mga mata ng asawa niya kanina ay mas nangingibabaw ang takot ko na kung mananatili sila dito ay baka mas magkaroon pa ng pagkakataon ang asawa niya na ituloy ang balak sa akin kanina. Umiyak na lang ako ng umiyak at yumakap kay Mama dahil ayokong makita ang pag-alis nila.

Lumapit sa amin si JM na umiiyak para makiyakap. Mami-miss ko ang mga pamangkin ko. Lalo na si Ate. Lumaki kami ng magkasama kaya hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Noong nalaman ko nga na nag-asawa siya ay akala ko talaga iiwan na niya kami pero nanatili pa rin siya at dito tumira kasama ang asawa hanggang sa magka-pamilya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon