A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FELL FREE TO COMMENT YOUR THOUGHTS. I'LL REALLY APPRECIATE IT.^_^
HAPPY READING ZSCARLETS ^_^CHAPTER 18
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil paniguradong may mga bagong iche-check na folders na naman sa office ko dahil iyong mga dapat ipapass kahapon ay malamang na nasa office ko na ngayon.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at ang ibang folders at libro na kakailanganin ko. Mukhang nakahanda naman na ang lahat at wala na akong nakalimutan kaya lumabas na ako ng apartment ko.
Bago ako umalis ay inilock ko muna ang pintuan ko. Paalis na sana ako ng makita kong mukhang may bisita si Timothy. May kausap kasi siyang lalaki sa harapan ng bahay niya. baka buyer ng kotse niya. Hindi ko na dapat sila aabalahin pa ng mamukhaan ko ang lalaking kausap niya habang palapit ako sa apartment niya.
"Andrie?" tanong ko sa sarili ko. Mukhang napalakas ata dahil napalingon si Timothy sa akin.
"Good Morning Jenny. Papasok ka na?" napatigil ako sa paglalakad.
"Good Morning din. Oo papasok pa lang." nakangiting bati ko sa kaniya.
Lumingon sa akin ang kausap niyang lalaki. Noon ko nakumpirma na si Andrie nga iyon.
"Jen?" malakas na sabi ni Andrie.
"Andrie." Masayang bati ko sa kaniya. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. Hindi tulad kay Sir Alvarez at Annalyn ay hindi ko maintindihan ang saya na naramdaman ko ng makita ko si Andrie. Siguro dahil puro masasayang ala-ala lang ang meron ako sa kaniya sa nakaraan. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya.
"Long time no see." Nawala na ang mga mata niya sa sobrang pagkakangiti. "Namiss kita Jen." At niyakap niya ulit ako.
"Ako din Andrie. Namiss kita." Niyakap ko din siya pabalik.
"It seems like you know each other." Saka lang kami naghiwalay sa pagkakayakap ng magsalita si Timothy.
"Ah. Yeah. We're friends back in highschool," naka-akbay sa akin na sagot ni Andrie. Tumingin ulit siya sa akin na hindi pa rin nawawala ang malaking ngiti sa mukha niya. Palagay ko'y ganoon din ako.
"So. Bibilin mo na?" mukhang siya ang buyer ng kotse ni Timothy.
"Talagang bibilin ko. Mukhang swerte sa akin ang kotse na iyan dahil kakauwi ko pa lang galing Japan pero dahil sa kotse na iyan nakita ko kaagad si Jen. After 6 years hindi ko inaasahan na ganito ko siya kabilis makikita." Maririnig ang tuwa sa boses niya.
"Okay then. Ipapadala ko na lang sa iyo ung mga dapat pirmahan sa paglilipat ng pangalan sayo."
"Pwede ko na bang kunin ngayon? Balak ko sanang ihatid ang magandang binibini na ito sa trabaho niya." tumingin ulit sa akin si Andrie.
"Pwede naman na siguro. Wag kang mag-alala at bukas na bukas din ay ipapadala ko na sa iyo ang mga papeles para siguradong safe na."
"Kung ganoon ay mauna na kami." Ngumiti lang si Timothy bilang pagpapaalam at iginaya naman na ako ni Andrie papasok sa kotse. Nakapasok na kaming pareho ng humarap siya ulit sa akin.
"Jen? Ikaw ba talaga iyan?" pinisil-pisil pa niya ang pisngi at ilong ko. "Bakit mukhang gumanda ka naman ata?" nagbibirong sabi niya na natatawa pa.
"So ibig sabihin panget ako dati?" nakasimangot kunyaring sabi ko.
"Well.." tinabanan pa niya ang baba niya na parang nag-iisip. "Medyo" kinurot ka na siya sa braso ng sabihin niya iyon.
"Busit ka talaga kahit kailan." Naiinis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Acak*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...