A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 40
Naramdaman ko na lang na nawala ang mahigpit na pagkakahawak sa mga kamay ko at may isang tela ang bumalot sa katawan ko. May bumuhat din sa akin mula sa kama. Sa puntong iyon ay idinilat ko ang mga mata ko. Napa-iyak na lang ako ng makita ko kung sino ang bumuhat sa akin.
Hanggang ngayon ay siya ang dumadating kapag may problema ako. Sa puntong ito ay naalala ko si Papa sa katayuan niya. Handa akong iligtas kapag nasa bingit ako kapahamakan. Sa pag-alala kay Papa ay mas lalo akong naiyak. Hindi ko akalain na managyayari na naman sa akin ito. Mas lalo kong namiss si Papa. Sa dami ng iniisip ay tuluyan na kong tinakasan ng malay.
Nagising ako na nakahiga sa isang kama. Nang ilibot ko ang paningin ko ay hindi pamilyar ang kuwarto. Wala akong ideya kung gaano katagal na akong walang malay. Sa halip na maalarma dahil hindi ko alam kung nasaan ako ay nagsimulang bumaha sa isipan ko ang mga nangyari.
Hindi ko inakalang magagawa sa akin iyon ni Jerick. Kahit na lagi niyang sinasabi na nanliligaw pa rin siya, itinuturing ko pa rin siyang tunay na kaibigan. Siya ang nag-iisang tao na masasabi kong naging tunay sa akin sa nakalipas na mga taon. Lagi siyang nag-aalala sa akin at lagi niya rin akong pinapatawa. Ang bait-bait niya rin sa akin. Kaya hindi ko talaga lubos maisip na nagawa niya sa akin iyon.
Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Tumingin ako sa gawing kaliwa ko at sa bukas na malaking bintana ay kita ko ang maliwanag na buwan kasama ang makikinang na bituin. Umihip ang malamig na simoy ng hanging pang-gabi. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin. Isa-isang pumatak ang mga luha ko at nakatulog na lang ako habang umiiyak.
Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay ang sinag ng araw ang bumungad sa akin. Naitaas ko ang isang kamay ko para isangga sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Umaga na pala.
"Jen, mabuti naman gising ka na." agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko si Shi na pumasok mula sa isang pinto. May dala siyang tray ng pagkain. Naglakad siya palapit sa akin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya habang ibinababa ang tray sa isang maliit na lamesa malapit sa kama. Umupo siya sa gilid ng kama at tinignan ako.
Sa halip na sagutin siya ay nayakap ko na lang siya bigla. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Kung hindi siya dumating ng mga oras na iyon ay hindi ko na alam kung ano ng ginawa sa akin ni Jerick.
Naramdaman kong hinimas niya ang likod ko at gumanti na rin siya ng yakap sa akin. Naiyak na naman ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon inilabas lahat ng luha at hinanakit ko...gaya ng dati.
Nang kumalma na ako ay humiwalay na ako ng yakap sa kaniya. Pinunasan ko ang natirang luha sa mga mata ko. Kinuha naman niya ang tray ng pagkain sa lamesa.
"Kumain ka muna." Alok niya.
Kinuha ko ang pagkain at sinimulang kumain. Nang maubos ko na ang pagkain ay inabutan niya ako ng isang gamot.
"Inumin mo iyan. Paniguradong masakit ang ulo mo dahil dalawang araw ka ng walang malay at may sugat ka pa sa noo. Saan mo ba nakuha iyan?" Kinuha ko ang gamot at ininom iyon. Ganoon na ba ako kapagod na umabot pa ng dalawang araw bago ako magising.
"Nasaan tayo?" baliwala ko sa tanong niya at lakas loob na tanong ko na.
"Nasa Laguna." Sagot niya.
Nabigla naman ako sa isinagot niya.
"Dito na kita dinala dahil wala naman akong alam na pwedeng pagdalhan sa'yo. Kung mananatili kasi tayo sa Manila baka kasi matakot ka. Kaya dinala kita sa malayo, malayo sa...apartment mo." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...