HAPPY 1K SA ATIN!!!!
DOUBLE UPDATE NGAYON. PASASALAMAT KO SA INYO. ^_^A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT YOUR THOUGHTS
HAPPY READING ZSCARLETS!!!CHAPTER 20
Maaga akong umalis sa bahay. Naka-jeans, isang gray na t-shirt at isang itim na cap ang suot ko at dala ang isang malaking backpack na naglalaman ng mga papel kung saan nakalagay ang picture ni Ate at ni JM. Mayroon ding pangalan nila at contact number ko na pwedeng tawagan ng sino mang makakita sa kanila. Sa gawing itaas ay nakalagay ang salitang MISSING.
Mga nasa 3rd year college na ako ng magsimula akong maglagay ng mga poster nila sa mga kalsada at kahit saan pa. Pagdating ko kasi ng Maynila ay wala talaga akong ideya kung saan magsisimula.
Noong gabing iyon ay naghanap na ako kaagad ng pwede kong matirahan. Nakarating ako sa lugar na tinatawag nilang Tondo. Ang sabi kasi ng mga napagtanungan ko ay mas mura umupa ng matitirahan kung doon ako pupunta. Ang kaso nga lang daw ay maraming masasamang taong nakatira doon. Wala na akong pakialam sa masasamang tao na sinasabi nila. Ang mahalaga sa akin ay makatipid ako.
Naka-upa ako ng isang maliit na kwarto sa isang lumang building na nadoon. Totoo ngang maraming masasamang tao dito dahil pagdating ko palang ay mga nag-iinuman at nag-susugal na ang bumungad sa akin. Ang ibang nakasalubong ko pa ay kung ibabase mo sa itsura ay mukhang may masamang mga balak talaga. May mga batang nakahubo na patakbo-takbo. May mga maliliit ding tindahan na hindi ko alam kung legal o ilegal ba ang tinitinda. Wala naman akong ibang pagpipilian kaya mas okay na ito kaysa sa wala.
Sa mga unang araw ko doon ay madalas na may nag-aaway. Umaabot pa sa punto na may nagkasaksakan at nagsasabunutan. Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil sa mga nag-iinuman sa katabi kong kwarto na kung magkwentuhan ay parang napaka-layo nila sa isa't isa, isama pa ang malakas nilang videoke. Madalas din na may nagnanakaw ng mga binili kong pagkain na bigla na lang mawawala sa lamesa ko.
Dumating sa punto na umiiyak na lang ako sa gabi sa hirap na dinadanas ko. Isama pa ang isipin na mag-isa na lang ako na mas lalo kong naramdaman ng mga panahong iyon na wala man lang akong kakilala at mapagsabihan ng problema ko. Isang linggo ang tinagal ng mga iyon pero sa sumunod na linggo ay pinilit ko ng sanayin ang sarili ko.
Wala na akong iba pang makakapitan kundi ang sarili ko lang kaya kailangan kong maging matatag. Natuto na akong wag mag-iiwan ng pagkain sa lamesa ko. Binibili ko na lang ang sasapat sa isang kainan para wala ng matira. Sa gabi naman ay sinanay ko na ang sarili kong matulog ng may maingay sa paligid at higit sa lahat pinilit ko ang sarili kong wag ng umiyak sa mga maliit na bagay lang. Pinangako kong hinding-hindi na ko magiging iyakin at kokontrolin na ang emosyon ko.
Nang linggong iyon din ay nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Kailangan kong samantalahin ang bakasyon para bago magpasukan ay hindi na ako mahihirapan sa mga gastusin. Tatlong araw din akong nagpalakad-lakad sa kalsada ng Maynila bago ako nakahanap ng trabaho. Tinanggap ako bilang isang janitress sa isang restaurant. Maliit lang din ang sweldo kaya nag-hanap pa ako ng iba pang trabaho. Makalipas ulit ang tatlong araw ay natanggap naman ako bilang isang kasambahay sa isang bahay dito sa barangay malapit lang din sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Sa umaga ay nasa bahay ako ng amo ko at sa gabi naman ako nagtatrabaho sa restaurant. Kahit na 17 years old pa lang ako ay tinanggap nila ako lalo na ng idahilan ko na ako na lang ang mag-isa sa buhay at wala ng mapagkukunan pa. Kinuha ako sa restaurant dahil nagkataon na ulila na rin pala ang manager kaya nadaan sa awa. Ang amo ko naman ay isang single mother kaya kailangan niya ng mag-aalaga sa anak niya habang nasa trabaho siya.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...