CHAPTER 22

48 7 2
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT
HAPPY READING ^_^

CHAPTER 22

Busog na busog ako pagkatapos kong kumain ng lunch ko. Alas-dos na at kakatapos ko lang kumain. Ngayon lang ako kumain na ganito kabusog.

Hinintay ko talagang matapos si Sir Alvarez at Annalyn na kumain. Hindi ko naman inaasahan na magtatagal sila. Gutom na gutom na ako ng matapos sila. Paano ba naman kasi mukhang naglandian pa sila habang kumakain.

Hindi manlang sila nahiya sa akin o kahit na inisip man lang nila na may ibang tao sa office na iyon. Kaya buong oras na kumakain sila ay pinagpatuloy ko lang ang patatype kunyari dahil ayokong makita ano man ang ginagawa nila.

Naglakad na ako pabalik sa office pagkatapos kong mamahinga dahil sa sobrang kabusugan. Maraming estudyante akong nakasalubong na bumabati sa akin dahil abala sila sa pag-aayos para sa Foundation Day sa sabado. Nginingitian ko na lang sila dahil masyado akong nabusog at medyo nakakatamad na bumati pa pabalik.

Kung hindi lang dahil sa dalawang iyon eh 'di sana nasa mood akong bumati pabalik. Nakarating ako sa office at gaya ng sabi ni Sir Alvarez ay kumatok muna ako bago pumasok. Inabutan ko siya busy sa pagtitipa sa kanyang laptop. Hindi ko na siya binati at baka maistorbo ko pa siya.

Dumeretso ako sa table ko at nakita kong may paper bag doon. Tinignan ko kung anong laman noon. May isang disposable na baunan sa loob. Inilabas ko iyon at nakitang may lamang macaroons at cupcakes sa loob noon.

Tinignan ko ulit iyong paper bag at nakita kong may maliit na papel na nakatupi sa loob noon. Kinuha ko iyon at binuklat.

Dessert for you.

Iyon lang ang nakasulat sa papel. Sino naman kayang nagpadala nito? Tinignan ko ulit iyong babaunan. Busog na busog pa ako kaya malamang na mamaya ko pa makakain ito. Sino man ang nagpadala nito, Thank you na lang.

Umupo na ako sa upuan ko at agad na sinimulan ulit ang trabaho.

Pagdatig ko sa apartment ko ay agad kong tinanggal ang heels ko at tumalon padapa sa kama ko. Napagod ako sa dami ng tinype at chineck ko sa maghapon. Unti na lang ang natira kaya matatapos koi yon bukas bago magtangahali.

Hindi ko na rin nakain iyong macaroons at cupcakes sa sobrang busy ko. Bumangon ako at kinuha ang paper bag na pinaglalagyan noon. Kanino kaya talaga ito galing? Pwedeng kay Jerick. Naninibago pa rin talaga ako sa pagtawag sa kaniya sa pangalan niya.

Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha koi yon sa bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Mr Ramos calling...

Kanina lang iniisip ko na baka siya ang nagbigay sa akin noong macaroons at cupcakes tapos ngayon tumatawag na siya. Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello" bungad ko.

"Hello Mitch!" masayang bati niya.

"Napa-tawag ka?"

"Nagustuhan mo ba iyong binigay ko sayo?" mukhang siya nga talaga ang nagbigay noon.

"Naku. Ikaw pala ang nagbigay noon. Ikaw talaga."

"So. Ano? Nagustuhan mo ba?"

"Hindi ko pa kasi nakakain eh. Masyado akong naging busy kanina pero thank you sa macaroons at cupcakes ah."

"Macaroons at cupcakes?" rinig ko ang pagtataka sa boses niya ng sabihin iyon.

"Oo. Macaroons at cupcakes. Iyon iyong laman nung paper bag."

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon