A/N: HAPPY NEW YEAR!!! HERE'S THE FIRST UPDATE IN YEAR 2021
HOPE WE ALL HAVE A HEALTHY AND PEACEFUL YEAR.
ALSO, THANK YOU FOR BEING PART OF MY 2020.EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 39
Inihatid niya ako sa apartment ko pagkatapos naming kumain. Noong una ayaw pa niya akong ihatid at ang gusto niya ay sa unit niya lang kami mag-hapon pero nang ipaalala ko sa kaniya iyong event na gaganapin sa university ngayong araw ay pumayag din siya.
"Wag ka ng umatend sa party mamayang hapon. Magpahinga ka na lang. Hmm?" Iyon ang bungad niya sa akin matapos naming makarating sa apartment ko. Nanatili kami sa loob ng kotse niya.
Pinaaalalahanan niya na naman ako na wag na raw umattend. Kasi nga raw napagod ako. Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin niya sa napagod.
"Hindi naman ako pagod, kaya aattend ako sa party mamayang hapon. Ang sabi mo sa akin kahapon dapat nandoon ako. Kaya pupunta ako." Pilit ko pa rin sa kaniya. "Hindi naman nga kasi ako pagod, ang kulit mo."
"You're tired, I'm sure of that. Pinagod kaya kita kagabi." At nagsimula na namang ngumisi ang loko.
"Kailangan mo ba talagang sabihin iyan? Nakakainis ka!" at natakpan ko na lang ng dalawang palad ko ang mukha ko sa hiya. Kaninang umaga pa niya ako inaasar tungkol sa nangyari kagabi. Kaya hiyang-hiya tuloy ako.
Rinig ko ang malakas niyang tawa. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi iyon ng ganoon kadali. Hindi ba siya nahihiya o ano. Alam ko namang normal lang na gawin iyon ng isang babae at lalaki pero nakakahiya pa rin kapag pinag-uusapan iyon.
"Okay. Okay. Titigil na ko. Don't cover your face." At siya pa mismo ang nagtanggal ng mga kamay ko sa mukha ko.
Ang mga mata niya ang unang bumungad sa akin. Tinitigan niya ako kaya tinitigan ko rin siya.
"Don't cover your beautiful face Sweatheart." Nakangiting sabi niya.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at ginawadan ako ng isang magaan na halik sa labi.
Bumaba ako sa kotse niya at nagpaalam. Hinintay ko munang makalagpas sa kanto ang kotse niya bago ako pumasok sa loob ng apartment ko.
Pag-pasok ko sa loob ay nagulat ako sa dinatnan ko. Si Jerick, prenteng naka-upo sa kama ko. Sa pagtataka ay hindi manlang ako nakaalis malapit sa pintuan ng apartment ko na nasa likudan ko lamang.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" nagtatakang tanong ko.
"When it comes to you, I have my ways." Matapang na sabi niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo niya at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Nagtataka pa rin ako kung paano siya nakapasok pero natatakot ako sa ipinapakitang awra ni Jerick ngayon. Parang hindi siya iyong Jerick na nakilala ko.
"Alam mo na kung nasaan ang mga kapatid mo. Tama?" nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na hinahanap ko ang mga kapatid ko? Wala akong nabanggit sa kaniya tungkol sa paghahanap ko sa mga kapatid ko. Wala akong pinagsabihan ni isa.
"P-Paano—"
"I know. I know everything." Putol niya sa sasabihin ko. "Everything from the start." Seryosong sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam pero kakaibang takot ang nararamdaman ko ngayon.
"Ngayong alam mo na kung nasaan ang mga kapatid mo. Siguro dapat mo na ring malaman ang totoo tungkol sa'kin."
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
De Todo*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...