I updated because I love you guys!!!
Chapter 1: Life of an Actress
Kira's POV
<<<<<Rewind
2 Months Ago
*Sound of an Alarm Clock*
"Urgghhnn..." Nakabalot pa ang buong katawan ko pati ang mukha ko while I'm wearing an eye mask nang tumunog ang annoying alarm clock ko.
Nilabas ko yung right hand ko na nasa ilalim ng comforter para patayin yung nakakainis na alarm clock na nasa side table ko! Hindi ko naman 'to inalarm ah! Argh! Nakielam na naman ang PA kong si Shaira! She ruined my beauty sleep!
Where's that annoying alarm clock?! Ang ingay! I covered my left ear using my left hand habang kinakapa-kapa ko ang side table ko para mapatay ang alarm clock pero hindi ko talaga mahanap! I'm still wearing an eye mask though.
Marahas kong tinanggal ang eye mask ko nang naramdaman kong nalaglag yung alarm clock, ayun nasira!
"Ahhh!!!" Tumili ako dahil sa pagka-irita! Ilang beses ko na bang sinabi kay Shaira na huwag na huwag niyang papakielaman ang gamit ko!
Kinuha ko yung I-phone ko na nasa side table at dinial ang number ni Shaira. I put it in a loud speaker para magawa ko na ang mga morning routines ko habang kinakausap ang pakielamerang PA ko.
[Good Morning, Miss Kira!] Itinagilid ko ang ulo ko. Why so happy?
"Shaira, how many times would I have to tell you na huwag na huwag mo nang papakielaman ang gamit ko?" Sinabi ko habang pinipigilan ang galit ko. Dumiretso na ako sa CR ng bedroom ko para makapagtoothbrush na.
[Miss Kira, sabi po kasi ni Manager Kate na i-alarm ko daw po ang alarm clock niyo ng 7 AM para hindi po kayo malate sa Photoshoot niyo ngayon para sa Candy Magazine na magsisimula ng 8:00.] Nagtiim-bagang ako dahil sa sinabi ng PA ko.
"You just ruined my beauty sleep, alam mo ba yun, Shaira?!" Sagot ko pagkatapos kong mag-toothbrush, hindi pa ako nakuntento, I also gargled a mouthwash.
[Miss Kira, kailangan---] I cut her off.
"Shut up! Sila ang mag-adjust, not me!" I drink 3 glasses of alkaline water. Dumiretso na ako sa walk-in-closet ko inside my bedroom para makapaghanap ng susuotin ko sa pag-jojogging.
[Miss Kira, its your responsibility na huwag ma-late.] I started wearing my outfit.
"And its their responsibility na maghintay, Shaira. Huwag mo na akong sunduin dito sa condo ko." I said while I'm wearing my rubber shoes. Ayokong sunduin niya ako because I wanted to use my car.
[Andito na po ako sa floor niyo, Miss Kira.] Tumaas ang isang kilay ko.
"What?!" She hanged up. What the hell?! Andito na siya?! Argh! Kinuha ko na ang I-phone ko, earphone ko, towel at bottled water ko para makapag start na akong mag-jogging sa katapat na park ng building nitong condo ko. I also wear a face mask para hindi ako makilala ng mga tao.
I'm Kira Micaella Ortiz, the most beautiful, sexiest and one of the most famous actress in the whole world, that's why I need to wear a face mask. Sana lang hindi nila ako makilala.
Naglakad na ako papunta sa pinto ng condo ko nang pumasok si Shaira. Nanlaki ang mata niya. I rolled my eyes.
"Saan ka pupunta, Miss Kira?" Pumasok na siya at sinara ang pinto ng condo ko. Si Shaira, si Tita Kate at ako lang ang may alam ng passcode ng condo ko.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...