Perfect Chapter 35

4.4K 113 2
                                    

Chapter 35: Bodyguard

Kira's POV

Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin ako sa dalawang linyang nasa harap ko.

Totoo ba 'to? Hindi ako nananaginip?

Napalunok ako nang naramdaman kong namasa ang mata ko dahil sa panibagong luha.

I'm happy, okay! Pero natatakot ako. Paano kapag sinabi ko ito kay Allen at hindi niya ito panindigan? Paano kapag iwan niya ako? Paano kapag isipin niya na hindi siya ang ama ng anak ko?

Damn it! Ano bang iniisip ko?!

Ano naman kung hindi ito paninindigan ni Allen? Edi wag niyang panindigan! Kaya kong buhayin ang anak ko ng mag-isa. I don't need his help! Pero kailangan ko pa rin sabihin sa kaniya ang totoo. He has the right to know.

Malaki ang ngiti ni Dra. Alonzo nang makita niya akong lumabas ng banyo. Si Mommy naman ay seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon.

Ipinakita ko ang hawak kong pregnancy test device kay Dr. Alonzo at mukhang hindi na siya nagulat sa kinalabasan nun.

"Congratulations!" Sabi ni Dra. Alonzo.

Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako o hindi. But I know that I'm happy inside. Masaya ako na magkakaanak na ako, na magkakaanak na kami ni Allen.

Maraming ibinilin si Dra. Alonzo bago siya umalis. Isa na dun ay ang pagiging emotional ko. Hindi ko daw mapipigilang maging emotional lalo na ngayong first trimester ko pa lang daw. Sinabi niya rin na kung pwede na daw ay bumisita daw kami sa clinic niya para mas macheck niya daw ako ng maayos. Sinabi niya rin na magtatatlong linggo na daw akong buntis. Ibig sabihin buntis na pala ako nung nasa Manila pa lang ako.

Marami pa siyang ibinilin gaya ng pagkakaroon ko daw ng cravings, now I know why I crave for sinigang last night. Kapag buntis rin daw ay laging dinadalaw ng antok kaya hindi na ako nagtaka nang maranasan ko iyon nitong mga nakaraang araw.

Nanatili pa rin akong nakaupo dito sa sofa habang pinaglalaruan ko ang daliri ko habang seryoso pa rin ang tingin sa akin ni Mommy. I can understand her expression! Hindi ko alam ang iniisip niya ngayon!

"Si Allen ba?" Nagulat ako ng biglang nagtanong si Mommy.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kaba. Magagalit ba si Mommy kung nalaman niyang si Allen ang ama ng dinadala ko? Magagalit ba siya dahil bakit sa dami ng lalaki ay siya pa?

"Yes." Halos bulong na lang ang kinalabasan nun.

Nakita kong nagtiim-bagang si Mommy kaya napayuko ako. I don't know what to say! Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko ngayon!

"Come here." Agad na umangat ang tingin ko kay Mommy nang marinig ko ang sinabi niya.

Nakalahad ang dalawang kamay niya sa akin na parang naghihintay ng yakap at malumanay na rin ang ekspresyon niya ngayon.

Nagtatanong ang mga mata kong tinignan si Mommy at tumango lang siya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at marahan niya akong hinila para mayakap. Nakaupo ako sa tabi niya habang yakap-yakap niya ako.

Napapikit ako at dinama ang yakap ni Mommy sa akin. Hindi ko na napigilan ang iyak ko. I thought Mom will get angry. Akala ko magagalit siya kasi si Allen ang ama ng anak ko. I know that there is a war between our families and I also know that we are the one at fault. Hindi ko rin masisisi si Mommy kung bakit ganito ang ikinikilos niya ngayon.

"I'm sorry for treating you coldly earlier. Natatakot lang ako para sayo anak, alam mong malaki ang kasalanan natin sa pamilya ni Allen at ayaw kong masaktan ka dahil doon." Sabi ni Mommy habang hinahaplos ang likod ko.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon