Perfect Chapter 36

4.4K 110 4
                                    

Chapter 36: Miss

Kira's POV

Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko maabsorb ang lahat! The heck?! Nandito si Allen?! And take note, he is my freaking bodyguard!

"Jusko Kira! Magpalit ka nga ng damit mo at may lalaki dito oh!" Sermon sa akin ni Manang Lucia.

Doon ko lang rin naalala na naka night dress nga lang pala ako! Sumulyap ako kay Allen at kita kong nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko at umakyat na lang ako sa kwarto ko para makapagpalit.

Nagsuot lang ako ng isang cream colored dress at ipinusod ko lang ang buhok ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-aayos!

Isang buwang hindi nagpakita sa akin si Allen kaya sinong hindi magugulat kung bigla mo na lang siya makikita sa bahay na tinitirhan mo at isa pa naging bodyguard mo pa siya! Damn! Isang CEO, naging bodyguard? What a nice news!

Masama ang kutob ko na isa sa may pakana ng bagay na ito ay ang kapatid ko, ang alam ko ay siya ang pumili ng bodyguard ko. Kaya ba siya pangisi-ngisi kagabi nung katawagan ko siya dahil alam niyang si Allen ang magiging bodyguard ko?!

Damn him!

Pagkababa ko ay nakita ko si Allen na nakatayo malapit sa may pinto ng bahay. Nakatingin rin lang siya sa harap niya pero siguro ng maramdaman niyang pababa ako ng hagdan ay nalipat ang tingin niya sa akin.

Inirapan ko lang siya. Bwesit siya! Pagkatapos niyang hindi magparamdam sa akin ng isang buwan, bigla-bigla na lang siyang magpapakita dito? Naiinis ako sa kaniya! Kainis!

Hindi ako lumingon sa kaniya hanggang sa makapasok ako sa kusina. Maaga pa kaya mag-aalmusal pa lang ako.

Nakita ko si Manang Lucia na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

Umupo lang ako doon at pasimpleng sumusulyap kay Allen.

Ganun pa rin ang pwesto niya. Nakasuit siya ng isang three piece suit na itim at walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Nakatingin rin lang siya sa kawalan.

Umaarte ba siya para hindi siya makilala ni Manang Lucia? So ibig sabihin, kailangan ko ring mag-acting na hindi ko siya kilala?

Okay! That's just a piece of cake!

"Manang, hindi po ba kakain yung bodyguard ko?" Tanong ko kay Manang nang hindi ko na napigilan.

Tumingin naman siya sa akin at sumunod ay tumingin siya kay Allen.

"Hindi daw eh. Hindi daw siya pwedeng makisabay sa ating kumain." Sabi ni Manang na nakapagpakunot ng noo ko.

"Kung ganun, paano po siya kakain?" Kunot-noong tanong ko.

I'm curious, okay! Alangan namang hindi siya kakain habang nandito siya diba?

"Siya na daw ang bahala sa pagkain niya." Si Manang.

Napa-upo ako ng maayos nang biglang naningkit ang mata ni Manang na nakatingin sa akin.

"Bakit parang kuryuso ka sa bodyguard mo ha?"

Ngumuso ako dahil sa tanong na yun. Manang, kung alam niyo lang kung sino ang lalaking yan.

Siyempre hindi ko sasabihin kay Manang kung ano ang totoong pagkatao ng bodyguard ko. Baka bigla nalang magsumbong si Manang kay Mommy at paalisin si Allen dito, magsisi pa ako.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon