Chapter 24: Deja Vu
Kira's POV
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kalawak yung resort na tinatayo dito. Alam kong may itinatayong resort dito pero hindi ko akalain na ganito kalaki.
Sino kaya ang nagpapatayo nito?
Pagkalabas ko ng sasakyan ay dumiretso na ako sa loob. Medyo malapit na rin itong matapos kaya hindi na masyadong makalat ang paligid.
"Uhm. Saan po dito yung office po nang boss niyo?" Tanong ko sa isang matandang lalaki na nadaanan ko pagkapasok ko.
Itinuro niya yung daan sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang purihin yung ganda nung resort. Kahit hindi pa siya tapos ay kitang-kita mo na ang kamodernohan niya. Maluwang rin ang paligid at maaliwalas.
Pagkarating ko sa office na tinuro nung lalaki ay kumatok muna ako sa tinted glassdoor na pinto.
Hindi ko nakikita ang nasa loob pero sigurado akong nakikita ako ng nasa loob.
"Pasok." Boses ng isang babae.
Pumasok na ako. Pagkapasok ko ay may nakita akong babae na nakatalikod sa akin. Nakasuot siya ng pencil cut skirt at puting long sleeve na blouse.
"Ano pong sadya---"
Naputol ang pagsasalita ng babae at nanlalaki ang matang lumingon sa akin.
Shit! Kilala niya ba ako?! Pero hindi ko naman siya kilala.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba pero pinilit kong magsalita. Hindi naman siguro nila aakalain na ako si Kira dahil matagal na nilang alam na patay na siya. Patay na.
"Ahm. K-Kayo po ba yung nag-order sa Severino's Restaurant?" Banggit ko sa pangalan ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.
I need to act normal para hindi nila mahalata ang kaba ko. Kailangan kong isipin na ako si Ella hindi si Kira.
Napakurap-kurap yung babae at nag-iwas ng tingin bago kumunot ang noo niya. Lumingon ulit siya sa akin at meron na siyang nanunuring mata ngayon.
Tumikhim ako para maibsan ang kabang nararamdaman.
"M-Ma'am?" Tawag pansin ko.
"A-Ah! K-Kay Sir Andrei ka na lang makipag-usap." Sabi niya at itinuro ang isa pang glass door na pinto.
Tumungo naman agad ako doon at kakatok na sana ako ng may biglang lumabas na lalaki doon. Kung hindi ako nagkakamali ay baka isa siya sa mga engineer dito dahil sa suot niya.
Nang magtama ang paningin namin ay naestatwa rin siya sa harap ko at halata ang gulat sa mga mata niya.
Medyo yumuko naman ako at umatras ng konti para makadaan siya.
Nakita kong ipinilig niya ang ulo niya at dahan-dahang umiling bago nagpatuloy sa paglalakad.
Damn it! Marami atang nakakakilala sa akin dito! Paano kung kilala rin ako ng boss nila?!
Huminga ako ng malalim at ng akmang kakatok na sana ulit ako ay may nagbukas na nun.
Napayuko agad ako at napaatras dahil baka makilala na naman ako ng lumabas pero halos dumagundong sa kaba ang puso ko ng marinig ko ang boses nung lalaki.
What the eff?!
"Engineer Valdez, maayos na ba yung blueprint na pinapaayos ko sayo?" Tanong niya doon sa babae kanina.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...