Chapter 39: Marriage
Kira's POV
Matapos kong ipaliwanag kay Mommy ang lahat, mula nang dumating si Allen dito bilang bodyguard ko hanggang ngayon ay pinapasok ako ni Mommy sa kwarto ko at sumunod siya. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Did you tell him that you're pregnant?" Tanong ni Mommy habang naniningkit ang mga mata.
Umiling ako.
"No. Hindi ko pa sinabi sa kaniya." Sabi ko.
Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Mommy. Napaupo pa siya sa kama ko at mukhang iniintindi pa ang lahat ng nangyari.
I understand my Mom. Siyempre, hindi naman ganun kadaling intindihin na si Allen pala yung bodyguard ko. Siguro yun yung pinakahuling bagay na maiisip siya sa buong buhay niya.
"Good. Buti na lang at hindi mo pa sinabi sa kaniya ang totoo. Hindi pa ngayon ang tamang oras anak para sabihin mo sa kaniya ang totoo dahil hindi pa naaayos ang alitan sa gitna ng pamilya natin." Tumingin sa akin si Mommy. "Alam mo naman na galit sa atin ang pamilya nila diba? Kaya hindi imposible na pagsalitaan ka nila ng masasamang salita kapag nalaman nilang buntis ka."
Wala akong nagawa kundi tumango sa sinabi ni Mommy. Naiintindihan ko iyon. Hindi naman iyon mahirap intindihin. Galit sa amin ang pamilya ni Allen at kapag nalaman nila na buntis ako at si Allen ang ama ay baka mas lumaki pa ang gulo kaya dapat hindi ko muna iyon pinagsasabi kahit kanino.
Pagkalabas namin ng kwarto ni Mommy ay sinalubong agad kami ng seryosong mukha ni Allen. Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng kilay dahil sa kaseryosohan niya.
"May sasabihin ka, ijo?" Tanong ni Mommy na may halong sarkasmo.
Hindi ko naman mapigilang mapanguso dahil sa inasta ni Mommy.
"I have something to tell you, Mrs. Ortiz." Sabi ni Allen.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sasabihin niya na ba na hindi pa kami divorce? My Mom doesn't know that! Buong akala niya ay pinirmahan rin ni Allen ang divorce papers kaya hindi na ako magtataka kung mahihimatay si Mommy ngayon kapag nalaman niya ang totoo.
Baka nga pati pamilya ni Allen ay hindi alam na divorce kami eh. I just don't know.
"What is it?" Pormal na tanong ni Mommy.
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Allen ang kamay ko. Pinagsalikop niya iyon at alam kong napatingin si Mommy doon.
"Can I ask for your daughter's hand for marriage?" Kaswal na tanong niya.
Literal na nanlaki ang mata ko at napabaling kay Allen. I thought he's going to tell Mom that we're still married, that we didn't divorce! Pero bakit ito ang tinatanong niya?!
"A-Ano?" Nauutal na tanong ni Mommy na halatang gulat rin kagaya ko.
Lumingon sa akin si Mommy at parang sinasabi ng mata niya na seryoso ba 'tong lalaking 'to?
Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam na ito pala ang sasabihin ni Allen!
Damn him!
"Are you serious?" Tanong ni Mommy na may halo pa ring gulat.
Seryoso lang na tumango si Allen at napaawang na lang ang bibig ko dahil dito. He's really serious. I didn't expect that he'll ask that. Kasal pa rin kami pero papakasalan niya ulit ako? Hindi ko alam pero nagdulot ang kaisipang iyon ng kung anong kiliti sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...