Perfect Chapter 12

4.4K 123 3
                                    

Chapter 12: Sacrifice

Kira's POV

Napakabilis ng tibok ng puso ko habang hinahalikan ako ni Allen sa harap ng maraming tao.

Alam ko ring maraming reporters ang nandito ngayon para kuhanan ang kasalang ito.

Well, who will not be interested in this wedding?

This wedding is the wedding of a famous actress and a successful businessman. Everyone will be interested in it.

Hindi lang nila alam na isa lang itong marriage for convenience and a loveless marriage.

Parang winawasak ang puso ko habang iniisip na ang kasalang nagaganap ngayon ay para lamang sa mga kompanya at sa pera. It is not because we love each other, it is because the money and the company.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa paghalik sa akin ni Allen ay kasabay nun ang pagkirot nito.

I hope that I will not fall completely because I know that if I ever fall, it will be an unrequited love and I don't want that to happen.

Nakaawang pa ang labi ko habang unti-unti kong iminunulat ang mata ko nang maghiwalay ang labi namin ni Allen.

Everything is so surreal! I didn't expect him to kiss me like that.

Pagkamulat ng mata ko ay nakita kong mapupungay ang mga mata ni Allen na nakatitig sa akin.

Napalunok ako dahil doon. Hapit-hapit pa rin niya ang beywang ko papalapit sa kaniya kaya sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa.

"Mrs. Kira Micaella Ortiz-Monreal." He whispered slowly and huskily. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya at hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi. "My surname sounds good with your name."

Mas namula pa ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakita kong ngumisi siya dahil sa reaksyon ko kaya inirapan ko na lang siya.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga kinikilos niya ngayon. I don't want to assume. Ayokong umasa dahil baka kapag umasa ako kabaliktaran pala nun ang katotohanan at kapag nalaman ko iyon, I know that it will hurt like hell.

Tumikhim ako at tatanggalin ko na sana ang pagkakapalibot ng braso niya sa beywang ko ng mas hinigpitan niya lang ito at mas inilapit pa niya ako sa kaniya.

Nanigas ako dahil sa titig niya sa akin. He's dark piercing pitch black eyes bore through me and damn! It makes my heart race really fast!

I want to think that he's doing this because he's being possessive of me but I know that he's just doing this because there are hundreds of reporters around us. And we need to act!

This is all a damn act Kira! Ayusin mo yung sarili mo! Don't fall or else your heart will be broken into pieces!

Damn!

Pagkalingon ko sa mga tao ay halos mapapikit ako dahil sa nakakasilaw na kuha ng camera. Yeah! This is just an act.

Hindi na kami nagtagal sa simbahan dahil dumiretso na agad kami sa reception area. Sa kotse ni Allen ako sumakay at habang papasok kami sa kotse niya ay nakapalibot pa rin ang braso niya sa beywang ko.

My heart is beating really fast because of his gestures. Konti na lang talaga, aasa na ako eh!

Nang binuksan ni Allen ang pinto ng passenger's seat ay agad akong sumakay doon at nagseatbelt.

Buti na lang, simple lang itong ipinagawa kong gown kung hindi baka sobrang nahihirapan na ako ngayon.

Nang makasakay si Allen sa tabi ko ay napalunok na lang ako dahil sa naalala.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon