Chapter 5: Intimidating Presence
Third Person POV
Actually, matagal ng alam ni Mr. Monreal na may nang i-stalk sa kaniya and what happened this day is a trap to catch that stalker who happens to be Kira.
Sino ba naman kasing hindi makakaalam kung ang nang-i-stalk sayo ay may pagka-crazy at stupid diba. At si Mr. Monreal ang inistalk niya. Si Mr. Monreal na almost perfect at perfectionist guy siyempre malalaman niya agad yan! Sa talino ba naman niya.
-Flashback-
Pauwi na ngayon si Mr. Monreal sa condo niya nang may napansin siyang kakaiba. Puro busina ang naririnig niya sa likod ng sasakyan niya kaya tumingin agad siya sa side mirror ng sasakyan niya and there he saw the cause of the cars endless beeping.
Nasa likod ng sasakyan niya ngayon ay ang isang Mercedez AMG one car na nasa gitna na ng kalsada. Buti na lang at one way ang dinadaanan nila kundi baka kung ano ng nangyari sa sasakyang nasa likod niya. Bakit ba nila hinahayaang magdrive ang driver na kagaya niyan? Hindi ba nakikita ng mga police kung paano siya magdrive? Nasa gitna na siya ng kalasada! That means the driver of that car is already breaking a law!
Napailing nalang si Mr. Monreal dahil sa katangahan ng driver ng sasakyang nasa likod niya. Bakit pa ba kasi yan hinahayaang magdrive? Sagabal lang sa daan.
'What a stupid driver.' Ika ni Mr. Monreal sa isip niya.
Dumaan na ang ilang minuto at napansin ni Mr. Monreal na nasa likod niya pa rin ang sasakyang yun. Why do he have a bad feeling for this?
Napataas ang kilay ni Mr. Monreal habang nakasulyap sa side mirror niya. Pabalik-balik ang tingin niya mula sa daan at sa side mirror niya at talagang sinusundan nga siya ng sasakyang nasa likod niya.
'The f*ck! Is someone stalking me?!'
Mas pinariin ni Mr. Monreal ang pagkakatapak sa accelerator ng sasakyan niya kaya halos umabot na sa 120 km per hour ang bilis niya. Binilisan niya talaga ang pagmamaneho niya para maiwala niya ang sumusunod sa kaniya.
Sinubukan niyang iwala ang stalker pero kahit ilang beses na siyang lumiko-liko kahit hindi naman dapat siya lumiko ay consistent pa rin ang stalker niya at nakasunod pa rin sa kaniya.
Bumuntong-hininga na lang si Mr. Monreal at hinayaan na lang niyang sumunod sa kaniya ang stupid and crazy stalker niya. Tinahak na rin niya ang tamang daan pauwi sa condo niya dahil baka abutin pa siya ng madaling-araw sa pagmamaneho.
Habang nagmamaneho si Mr. Monreal ay patuloy pa rin siya sa pagsulyap sa sasakyang nasa likod niya. Napansin rin niyang nasa gitna talaga 'to ng daan. Sino ba ang hindi makakapansin sa sasakyang yan kung nasa gitna siya ng daan? What a stupid stalker. Kung gusto niyang hindi siya mapansin ng sinusundan niya ay huwag naman siyang magtangatangahan. Binalewala na lang ni Mr. Monreal ang katangahan ng stalker niya.
Pagkaliko niya papuntang Aqua Livingstone Condominium ay napansin niyang nakasunod pa rin sa kaniya ang stalker niya. Ngumuso si Mr. Monreal at tamad niyang isinandal ang siko niya sa bintanang katabi niya at pinaglaruan niya ang labi niya.
'Consistent huh?' He sarcasticly said on his mind.
Pagkapark niya sa parking area ay napansin niyang nagpark rin ang sasakyang sumusunod sa kaniya 3 parking spaces far from his car. Consistent nga, halata naman.
His eyebrow shot up. Talagang pinlano siyang sundan ng stalker niya hanggang condo niya. Napailing nalang si Mr. Monreal at lumabas na ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...