Perfect Chapter 4

4.9K 123 1
                                    

Chapter 4: Miss Stupid and Crazy Stalker of Mine

Kira's POV

Naalimpungatan ako nang may narinig akong doorbell nang doorbell dito sa condo ko! Sino ba yun?! Ang aga aga eh! Wait! Don't tell me its Shaira?!

Dali-dali kong kinuha ang I-phone ko na nasa side table at tiningnan ang oras. Nanlaki ang mata ko.

"The hell?! 2:00 na?!" Sigaw ko. Oh no! Bakit nalate ako ng gising?! Ibig sabihin dalawang oras siyang naghintay? Ibig sabihin kanina pa siya nagdo-doorbell?!

Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Pinagbuksan ko nang pinto ang PA ko at napalunok na lang ako dahil sa nakita ko.

Itsura niya? Para siyang naglayas na nagrebelde! Gulo-gulo lang naman ang buhok niya at ang dami-dami niyang dala! Punong-puno rin nang mga gamit ang area nang hallway na nasa tapat nang condo ko!

Hindi ako nagtataka sa mga gamit pero nagtataka talaga ako sa itsura niya! What happened?!

"Tabi!" Tinabig niya ako pagilid kaya napasandal ako sa pinto. Oh no! Galit si Shaira! Ready your ears, Kira!

Tulala pa rin ako habang nakasandal sa pinto at pinapasok niya yung mga gamit ko. Tulala ako dahil sa itsura niya! Para siyang nakipaghabulan at nakipag-away sa aso! Ano bang nangyari sa kaniya?!

Hindi ba siya gumamit nang elevator at naghagdan na lang siya paakyat dito sa 100th floor?! Imposible! Argh! Napakunot na lang ang noo ko dahil sa pag-iisip!

Pagkatapos niyang pinasok ang lahat ng gamit ko ay sinara ko na agad ang pinto. Pagkapunta ko sa Living Room ay nakita ko siyang nakaupo sa couch habang nakapatong ang noo niya sa kamay niya at ang siko niya sa tuhod niya.

Tatakpan ko na sana ang tainga ko nang bigla niya akong tiningnan nang masama. Tinaas ko na lang ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko.

"Okay! Okay! Ano ba kasing nangyari sayo?!" Pilit kong pinakunot ang noo ko kahit ang totoo ay may hula na ako sa nangyari sa kaniya. Bumuntong-hininga siya na parang kinakalma ang sarili niya bago nagsalita.

"Alam mo ba kung anong oras na Miss Kira?" Tanong niya. Lumunok ako at tumango.

Tumayo siya, humalukipkip at pinagtaasan niya ako nang kilay. My Gosh! Gusto ko nang takpan ang tainga ko! Sigurado akong sisigawan na naman ako nang makabasag eardrum na PA kong 'to!

"Alas dos na Miss Kira! Sabi mo 11 ako pumunta dito diba?! Tatlong oras ako naghintay diyan sa labas nang pintuan nang condo mo!" Tinuro niya ang pinto kaya napalingon rin ako doon pero binalik ko kaagad ang tingin ko sa kaniya nang sumigaw ulit siya. "Alam mo ba kung anong nangyari sa akin sa loob nang tatlong oras na yon?! Siyempre, hindi! Wala akong ginawa sa tatlong oras na yun kundi ilipat-lipat ang mga gamit mo dahil nakaharang sa daan! May muntil pang sumabunot sa akin dahil sa galit eh!" Nanlaki ang mata ko. Sumabunot?! Napakabrutal naman nang mga kapitbahay ko. Kaya pala magulo ang buhok niya.

I admit its my fault kaya kahit PA ko siya, ayos lang na sigaw-sigawan niya ako dahil kasalanan ko naman talaga. Actually hindi naman PA ang turing ko sa kaniya, tinuturing ko siya bilang isang kaibigan or more like a sister. Lumapit ako sa kaniya at ibinaba ko na ang dalawang kamay ko. Kalmado na rin ang ekspresyon niya ngayon.

"I'm sorry, okay? Nalate kasi ako nang gising. Sorry na." Luminga-linga ako sa paligid para makahanap nang pwede kong gawin para mapatawad niya ako then suddenly, a thought pop in my mind! Ngumisi ako. "I'll cook for you, anong gusto mong kainin? I'm sure hindi ka pa nakakapaglunch dahil pumunta ka dito. So anong gusto mong kainin, magluluto ako." I smiled widely at her. Dala niya naman na ang mga gamit ko kaya alam ko na kasama na diyan yung mga laman nang ref ko sa dati kong condo. Napawi ang ngiti ko nang hinarap niya ako nang nakapameywang.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon