Perfect Chapter 26

4.2K 98 3
                                    

Chapter 26: Mine

Kira's POV

I am pacing back and forth in the living room of my apartment. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My mind is in a mess right now!

Paano pala kung nakita ni Allen yung kwintas ko?

Okay lang sana kung hindi limited edition itong kwintas na 'to pero hindi eh! Limited edition ito at siguradong nag-iisa lang ito sa buong mundo!

Gulong-gulo pa ang isip ko dahil sa lahat ng nalaman ko kagabi tapos dadagdag pa 'to?!

Argh! Sunod-sunod na ang problema ko ah!

Napatalon ako habang naglalakad ng marinig kong may kumatok sa apartment ko. Walang doorbell ang apartment na 'to dahil mumurahin lang ito.

Ipinilig ko ang ulo ko. Si Aling Dena kaya yung nasa labas?

Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto at ganun na lang ang pag-awang ng labi ko ng makita ko ang bagong ligong si Allen sa harap ko.

Nakasuot na siya ngayon ng brown na shorts at itim na T-shirt. Basa pa ang buhok niya at mas nakadagdag pa yun sa kakisigan niya.

Tumikhim ako at medyo isinara ng konti ang pinto para pasimpleng itago ang kwintas ko sa ilalim ng T-shirt na suot.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang tupperware na may lamang...

Teka, Carbonara ba yun?

Napalunok ako dahil sa nararamdamang gutom sa sarili. Wala nga pala akong nakain ngayon.

Umangat ang tingin ko sa mukha ni Allen at nakita kong titig na titig siya sa akin.

"I'm here to give you this." Sabi niya sabay lahad ng tupperware sa harap ko.

Ang dami masyado nun!

"S-Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango lang siya bilang sagot.

Sino kayang nagluto niyan? Yung asawa niya kaya? Bago ko pa mapigilan ang sarili kong magtanong ay lumabas na ito sa bibig ko.

"Luto ng asawa mo?" Tanong ko.

Napapikit ako dahil sa hiyang nararamdaman. Damn it! Bakit sa lahat pa ng pwedeng itanong ay yun pa ang itanong mo Kira?!

Nakita kong ngumuso siya na parang may pinipigilang ngiti.

"My wife can't cook. Ang paboritong ulam ko lang ang alam niyang lutuin." Sabi niya na mas nakapagpakirot pa ng puso ko.

Si Marianna kaya yung tinutukoy niya? Ang alam ko noon ay nilutuan siya ni Marianna ng Menudo, yung paborito niyang ulam, kaya si Marianna kaya yung asawa niya ngayon?

Natikman niya kaya yung Menudong niluto ko para sa kaniya noon? I guess not. Baka dahil sa galit niya ay itinapon niya nalang iyon.

Parang mas kumirot pa ang puso ko dahil sa kaisipang iyon. Pinag-effortan ko ang menudo na yun at kapag naiisip ko na baka itinapon niya lang iyon ay masakit para sa akin. That's the only food that I can cook before, ngayon medyo marami na rin akong alam.

"Ah! Ganun ba? Ibig sabihin, ikaw ang nagluto niyan?" Tanong ko na obvious naman na ang sagot.

Tumango siya.

That's my favorite, Carbonara. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ba yun hanggang ngayon.

"S-Salamat." Sabi ko na lang at kinuha na yung tupperware sa kamay niya.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon