Chapter 21: Trust
Kira's POV
Sabi nila kapag masaya ka, mabilis daw ang takbo ng oras. It's true! Dahil ang dalawang linggong bakasyon namin ni Allen ay mabilis na lumipas at ngayon ay balik na naman kami sa trabaho.
Hindi naman kasi pwedeng hindi kami magtrabaho. Alam ko marami na kaming pera pero hindi pwedeng hindi na kami magtrabaho dahil doon dahil ginagastos rin namin ang pera namin.
"Wife, can you fix my necktie?" Tanong ni Allen habang nagboblowdry ako ng buhok ko sa harap ng dresser.
Napangisi na lang ako at naglakad papalapit sa kaniya. He's smirking while looking at me intently.
Magsimula nang umamin kami sa isa't-isa ay hindi na siya humintong maglambing sa akin. Parang nakakapanibago nga dahil napakaseryoso ng itsura niya pero napakalambing ng ugali niya.
Pagkatapos kong ayusin ang necktie niya ay sinuot niya na ang tuxedo niya at dinampian ako ng halik sa labi kaya hindi ko na napigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.
"Ihahatid kita."
Umiling naman ako agad dahil sa sinabi niya.
"I have a car Allen. I can drive myself o baka nga sunduin ako dito nila Shaira eh." I said.
Nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko naman maiwasang pamulahan ng pisngi.
Damn! Bakit ganito na ako ngayon?!
"I insist." Simpleng sabi niya at hinila na ako palabas ng kwarto.
Napailing na lang ako dahil sa ikinilos niya. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo dahil siya ang napangasawa ko. He's such a perfect, perfectionist husband.
Habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa lugar kung saan magaganap ang shooting ngayon ay biglang nagring ang cellphone ko.
It's Shaira.
"Hello?" Bungad ko.
[Hi! Miss Kira! Kamusta ang honeymoon?] Panunudyo niya.
Napataas na lang ang kilay ko at tipid na napangiti dahil sa sinabi niya.
Kamusta ang honeymoon? Perfect.
"Bakit ka napatawag?" Tanong ko na lang.
[Well, papunta na po ba kayo dito Miss Kira?] Tanong niya.
"Yup! Papunta na ako diyan. Yung shooting lang ba para sa movie ang schedule ko ngayon?"
[Yes and Miss Kira, nabasa mo na ba ang script mo?] She asked.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Actually hindi ko pa nabasa yung bagong script namin dahil nawala yun sa isip ko nung mga nakaraang araw.
"Not yet. Why?" Kuryusong tanong ko.
Kinakabahan naman siyang napatawa kaya napakunot yung noo ko.
[W-Wala lang. Nagtatanong lang.] She answered nervously.
Magtatanong pa sana ako pero bigla na lang niyang pinatay yung tawag. Is there something wrong with the script?
"Who are you talking to?" Napalingon ako kay Allen nang nagtanong siya.
"My PA." Sagot ko.
Tumango lang siya at nagulat na lang ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.
Lihim akong napangiti dahil sa ginawa niya. How I wish that we'll be like this everyday. Kulang na nga lang hilingin ko na sana nasa tabi ko lang siya sa bawat segundo pero hindi naman pwede yun. I can't be clingy. I shouldn't be clingy.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomansaKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...