Perfect Chapter 6

4.5K 125 0
                                    


Chapter 6: The Dinner

Kira's POV

Sabi nila bumibilis ang oras kapag kinakabahan ka, in my case, it's right! Totoong bumibilis ang oras at sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon dahil sa dinner mamaya!

Hindi ko alam kung may magagawa pa ba akong paraan para mapigilan ang kasal at mas kinakabahan pa ako tungkol doon kaysa sa pagiging artista ko!

Inaayusan ako ngayon ng makeup artist ko para sa paghahanda sa shooting namin mamaya. Ngayon ko lang rin nalaman na kasama ko pala sa movie na 'to si Franciene. I hope nothing bad will happen dahil tuwing magkasama kami laging may nangyayaring masama.

Napalingon ako sa pinto ng padarag itong bumukas at pumasok si Franciene. Nakita kong umirap siya sa kawalan bago napalingon sa akin at ngumiti ng peke. What would I expect?! We need to act like we're close in front of other people!

"Oh? Hi there! Kira." She said while smiling fakely.

Nakipagbeso pa siya sa akin bago siya umupo sa tabi ko at hinarap ulit ako.

"Nga pala, sasampalin pala kita mamaya ayun sa script. I hope its fine with you." Kahit nakangiti siya sa akin ay ramdam ko pa rin sa mga tingin niya ang pagkasarkasmo. I tried to smile back and I succeed.

"I'm a professional person, France, basta nasa script, ayos lang na gawin mo. Walang problema sa akin."

"Okay." Nakita kong ngumisi siya sa akin bago niya ako pasikretong inirapan at humarap na lang siya sa harap niya.

Napailing na lang ako at humarap na rin sa harap ko. Ipinikit ko ang mga mata ko ng naramdaman kong lumapat ang make-up brush dito.

Pagkatapos naming ma-ayusan ay pinatawag na agad kami sa shooting area para maumpisahan na ang pag-sho-shooting. Paulit-ulit ko namang sinasabi sa isip ko na sana walang mangyaring masama. At sana nga wala.

"Action!" Utos sa amin ng Direktor.

Nakaupo ako ngayon sa isang two seater table na nasa loob ng isang restaurant. I'm drinking a wine ng biglang sumulpot sa harap ko si Franciene or Raquel, ang pangalan niya sa Movie.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang galit na galit niyang ekspresyon. Hindi ko alam kung acting lang ba o totoo.

"I thought you're my friend, Brie! Pero paano mo nagawa sa akin yun?!" She acted.

"What are you talking about?" I asked calmly.

"You don't know?! Bakit ka pa nagmamaang-maangan kahit alam ko naman na yung totoo?!" She glared at me.

Ayun sa script, nagagalit siya sa akin ngayon dahil ang akala niya ay may relasyon kami ng boyfriend niya, at hindi ang leading man ang boyfriend niya.

"Hindi ako nagmamaang-maangan. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi mo, Raquel." Sinabi ko ng may pagtitimpi.

"You seduced my boyfriend! Tapos sasabihin mong hindi mo alam?! How dare you?!" Napalingon ako sa kanan ko ng malakas niyang sinampal ang mukha ko.

Kumunot ang noo ko at kasabay nun ay ang pagsabi ng 'Cut' ng direktor.

"Hindi mo pa dapat siya sinampal, Franciene!" Sigaw ng direktor.

Kunot noo rin akong napalingon kay Franciene. What is she doing?!

"Ooops! Sorry! Nacarried away lang." Ngumiti siya sa akin at alam kong peke yun.

Umiling na lang ako. Alam kong sinadya niyang gawin yun! Sabi ko nga, laging may nangyayaring masama tuwing magkasama kaming dalawa. At hindi ko hahayaang matapos ang araw na 'to ng hindi ako nakakapagtake ng revenge sa kaniya.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon