Perfect Chapter 27

4.2K 124 3
                                    

Chapter 27: Jealous

Kira's POV

Nakapangulambaba ako sa isa sa mga lamesa sa restaurant na pinagtratrabahuan ko.

Matagal-tagal na rin magmula nung huli kong nakita si Allen. Siguro mga mag-iisang Linggo na rin ang nakalipas.

Aaminin ko na nagtataka na ako. Siyempre, dati araw-araw siyang nagpapakita sa akin tapos ngayon hindi na. Nakakapagtaka talaga iyon.

Galit pa rin kaya siya dahil sa nangyari nung isang araw? Ako nga dapat yung magalit eh! Dahil hinalikan niya ako!

Napakurap-kurap ko ng makita ko ang mukha ni Annie na nakangisi sa harap ko.

"Iniisip mo si Mr. Monreal noh? Panunudyo niya

Agad akong umayos ng upo at tumikhim.

"Hindi!" Sabi ko at napatingin agad sa pinto ng marinig kong bumukas ito.

Bumagsak agad ang balikat ko nang makita kong random costumer lang ang pumasok. Akala ko si Allen na.

"Yan ba ang hindi iniisip si Mr. Monreal?" Pang-aasar pa sa akin ni Annie.

Inirapan ko na lang siya at tumayo na para kunin yung order nung bagong pasok na costumer.

Habang nagtratrabaho ako sa loob ng restaurant ay hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa labas dahil baka makita ko si Allen.

Argh! Bakit ba ako nagkakaganito?! Mabuti na nga na hindi na siya magpakita sa akin para hindi na magulo yung utak ko eh! Baka mamaya nandito lang pala siya dahil gusto niyang maghiganti!

Naupo ako sa bench sa labas ng restaurant ng matapos na ang trabaho namin. Hinihintay ko na lang si Annie para makauwi na.

Ilang araw ko na ring napapansin na parang hindi na umuuwi si Allen sa apartment niya. Ano kayang pinagkakaabalahan nun? Sumuko na kaya siya at naisip niyang hindi talaga ako si Kira?

Hay! Bahala na!

Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na kotse di kalayuan sa kinauupuan ko. Kumalabog ang puso ko dahil kilala ko ang kotse na yun. Yun yung kotse ni Allen.

Ano? Anong ginagawa niya dito? Bakit ngayon lang ulit siya bumalik?

Wala sa sariling umayos ako mula sa pagkakaupo nang lumabas si Allen sa driver's seat. Akala ko ay didiretso na siya dito sa restaurant pero yun pala ay may pinagbuksan siya sa front seat ng sasakyan niya.

Pinaningkit ko pa ang mata ko para maaninag yung taong lumabas sa kotse niya at ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at sa hindi mapangalanang emosyon nang makita kong bumaba si Marianna doon at ngiting-ngiti pa.

Pakiramdam ko ay parang nawawasak ang puso ko dahil sa nakikita. Inaalalayan ni Allen si Marianna sa paglabas sa kotse at may kung anong kirot sa puso akong nararamdaman dahil doon.

Tumalikod na lang ako sa kanila ng hindi ko na makaya ang sakit. Ramdam ko ang pagkakapira-piraso ng puso ko at kulang na lang ay marinig ko ang tunog nito na nahuhulog isa-isa sa sikmura ko.

Siya na ba yung asawa ni Allen? Pero bakit dito niya pa dinala? Tapos bakit niya ako hinalikan nung isang araw?!

Ano ako? Kabit?!

Shit! That's the worst thing that I can imagine that will happen in my life! Ang maging kabit! Damn! Mamamatay na lang ako kaysa maging kabit ng taong mahal ko!

Oo! Mahal ko! Inaamin ko na sa sarili ko yun. I've been into a lot of roles before, nung artista pa ako at alam ko kung kailan matatawag na pagmamahal ang mararamdaman mo sa isang tao.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon