Perfect Chapter 11

4.5K 124 1
                                    

Chapter 11: Wedding

Kira's POV

The only thing that I know to stop myself from falling is to distanced myself from Allen. Kailangan kong lumayo sa kaniya dahil baka makatulong iyon para hindi ako tuluyang mahulog sa kaniya.

I need to try hard, to do my best to stop myself because I know that I will be the one who will be hurt the most if I didn't stop my own feelings.

Ako ang masasaktan, ako ang mahuhulog at magkakapira-piraso dahil walang sasalo sa akin and I don't want that to happen.

Napabalik ako sa realidad ng marinig kong tumunog ang I-phone ko para sa isang mensahe.

Hinatid ni Shaira ang mga gamit ko kanina dito sa condo ko at pagkatapos naming magdinner ay umalis na rin siya kaya ngayon ay mag-isa na lang ako dito.

Gusto kong lumabas sa veranda pero natatakot ako na baka nasa veranda rin si Allen at magkita kami, natatakot ako na bumilis ulit ang tibok ng puso ko at mabaliw na ako.

Tinignan ko ang I-phone ko at nakita kong may nagmessage sa akin na isang unknown number.

Hindi ko ugaling magbukas ng mensaheng hindi ko naman alam kong kanino ng galing pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tignan ito.

Unang tingin ko pa lang ay alam ko na kung sino ito at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ito ang kinakatakot ko eh!

Unknown Number:

I guess, we will see each other on the day of our wedding then. Good night.

Ito lang ang sinabi niya pero parang nakikipagkarerahan na naman ang puso ko. What the hell is wrong with me?! Bakit ganito kabilis?! Bakit ganito kabilis magkagusto ang puso ko?! Hindi naman ako ganito dati ah! Argh! I hate myself! I hate my heart! Kung pwede lang na pahintuin ko ang puso ko sa pagtibok ay gagawin ko eh but I can't!

Malalim akong napabuntong hininga at nahiga na lang sa kama ko.

I should stop thinking about this!

Inilapat ko ang palad ko sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

I know that this will forget him soon. Alam kong hihinto rin ito sa pagbilis ng tibok nito kapag hindi ko siya nakita ng isang buwan. That's fine with me.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa kakaisip. Bakit ba kasi ginagawang malaking problema ang isang maliit na bagay?! Kung maliit na bagay ba talaga ang problema ko.

All my days went normal. Pare-parehas lang ang nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw. Shooting, shopping, modeling, eating, sleeping! Yun lang! Nothing new! Nothing special!

Halos mag-iisang buwan na rin magsimula nung sinabi ko kay Allen na huwag siyang makikipagkita sa akin ng isang buwan. I thought it will be easy but I'm wrong.

Hindi ito madali! Dahil hanggang ngayon parang wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko!

Nung iminessage nga sa akin ni Allen yung mga details ng kasal namin ay parang nagkarerahan na naman yung puso ko!

Natatakot nga ako ngayon dahil baka mas lumala pa ang nararamdaman ko. What if my heart will go crazy on the day of our wedding?! Hindi ko siya nakita ng isang buwan kaya alam kong makikipagkarerahan na naman ang puso ko.

At kahit gaano ko pa ito pigilan, hindi ko iyon magagawa.

"Ate Ganda?" Pukaw sa akin ni Nica.

Napakurap-kurap ako at tumikhim ng namalayang natulala na naman pala ako.

"Ate Ganda, may problema ikaw?" Tanong niya sa akin habang pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon