Chapter 40: Perfect
Kira's POV
Mabigat ang pakiramdam ko nang iminulat ko ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Masakit rin sa ilong ang pinaghalong pabango at alcohol na naaamoy ko.
Inilibot ko ang paningin ko at dun ko lang napagtanto na nasa hospital pala ako. Napatingin ako kay Mommy. Hawak-hawak niya ang kamay ko na may dextrose habang nakayuko siya sa tabi ko.
"Mommy." Mahinang bulong ko.
Agad na nag-angat ng tingin si Mommy sa akin at halata ang pinaghalong pag-aalala at saya sa mga mata niya.
"God! Okay ka na ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
Tipid akong napangiti dahil sa pag-aalala ni Mommy pero agad rin iyong napawi ng maalala ko kung bakit ako nandito sa ospital.
Nahimatay ako kanina at sa pagkakaalam ko ay bumagsak ako. Hindi ko alam kung sa sahig ba o kung may sumalo sa akin pero isa lang ang pinag-aalala ko ngayon.
My baby!
Sinapo ko ang tiyan ko at nagtatanong ang mga matang tinignan si Mommy.
"Ang baby ko Mommy? Kamusta?" Tanong ko.
Pinaghalong takot at pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. I'm scared, alright! Natatakot ako para sa batang dinadala ko.
Parang napawi ang pag-aalalang nararamdaman ko ng ngumiti sa akin si Mommy. Yung ngiti na nakakagaan ng loob.
"Ayos lang ang baby mo. Masyado ka lang daw nastress kaya ka nahilo kanina. Dapat pala hindi na lang kita sinama eh." Si Mommy na halatang sinisisi ang sarili niya.
"Mommy, wala kang kasalanan. Tsaka kung hindi mo man ako sinama, magpupumilit ako kasi gusto kong sumama." Sabi ko.
Bumuntong-hininga na lang si Mommy at mas humigpit pa ang hawak sa kamay ko. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko dito sa ospital.
Kaming dalawa lang ni Mommy ang nandito. Nasaan yung iba?
"Mommy, ano po palang nangyari kanina? Nung nahimatay ba ako, tinuloy niyo pa rin yung meeting?" Tanong ko.
Nakita ko namang pasimpleng umirap si Mommy.
"Anong tinuloy ang meeting? Hindi na namin yun tinuloy kasi lahat kami ay nataranta dahil sa pagkahimatay mo. Kung hindi ka nga lang sinalo ni Allen nung natumba ka ay baka hindi lang ito ang napala mo eh." Si Mommy.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa nalaman. Hindi natuloy ang meeting kung ganun ano na ang mangyayari?
Napatingin ako kay Mommy at nakita kong bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero nag-aalinlangan siya kung itutuloy niya ba.
"What is it, Mom?" Tanong ko.
Huminga muna ng malalim si Mommy bago ako tinitigan sa mga mata. Halata ang kaseryosohan sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang kabahan.
"Ang totoo kasi anak ay..." Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Mommy kaya humigpit ang hawak ko sa kamay niya, sinasabi na ituloy niya lang ang sasabihin niya. "...alam na nila Allen na buntis ka."
Literal na napaawang ang labi ko dahil dun. Damn! Paano? Paano niya nalaman?
"A-Ano? P-Paano? Paano niya nalaman?" Tanong ko.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ganito ang balak ko. Ang balak ko ay ako ang magsasabi ng totoo sa kaniya dahil sigurado akong kapag sa iba niya iyon nalaman ay baka magalit pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
Любовные романыKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...