Perfect Chapter 10

4.8K 130 3
                                    

Chapter 10: Fall

Kira's POV

Nakatitig lang ako sa kamay kong hawak ni Allen habang naglalakad kami. Habang nasa likod niya ako ay kitang-kita ko kung paano umigting ang panga niya dahil sa galit.

Is he angry because of me being hurt? O ayaw niya lang masira yung reputasyon ko dahil madadamay rin ang kaniya?

The thought of the second reason makes my heart ached in pain. Kung dahil lang pala doon kaya siya nagagalit ay hinayaan niya na lang sana ako dahil kaya ko namang ayusin ang reputasyon ko ng hindi niya tinutulungan at hindi siya dinadamay.

Nagulat ako ng marahas niya akong isinandal sa kotse niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Kusang lumingon ang mga mata ko sa paligid dahil baka may makakakita sa amin at buti na lang wala.

Nang maibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya at ang mabilis niyang paghinga.

"A-Anong problema?" I asked nervously.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa panginginig nito. Why am I being nervous like this?!

"Fuck!"

Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Bakit hinahayaan mo lang yung sarili mong masaktan, ha?!" He shouted angrily.

Kusang napamulat ang mga mata ko at tinitigan siya. His face was so close to mine making me inhale his breath and smell its minted smell.

"A-Anong sabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

Teka! Baka naman may sira lang yung tainga ko at mali ang pagkakadinig ko. Imposibleng nagagalit siya dahil dun. It's really impossible!

"Don't let yourself get hurt again or else..." He trailed off.

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. So, tama nga ang pagkakarinig ko.

"Or else, what?" Tanong ko ng makita kong wala na siyang balak ituloy ang sinasabi niya.

"Or else..." Umigting ang panga niya bago niya itinuloy ang sinasabi niya. "I'll lock you up in my room." Seryoso niyang sinabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa sinasabi niya. Lock me up in his room? Nagbibiro ba siya?

"Stop laughing or––"

"Or what? You'll kiss me?" Natawa ulit ako. "That's impossible Allen." Patuloy pa rin ako sa pagtawa.

"Impossible?" He asked.

"Yes–––"

Naputol ang sinasabi ko ng naramdaman kong dumampi ang labi niya sa gilid ng labi ko.

Dampi lang yun! Pero bakit bumilis na naman ang tibok ng puso ko?! For goodness sake!

Tinignan ko siya ng may nanlalaking mata pero ngumisi lang siya.

"Who told you that its impossible for me to kiss you?" He said with a glint of amusement in his voice.

Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya. How could he do that?

Ngumuso siya pagkatapos ng ilang segundong hindi ako nagsalita at naghari ang katahimikan sa gitna naming dalawa.

"Hop in." He said after a long stretched of silence.

Napakurap-kurap ako at napakunot ang noo.

"H-Huh?"

Binuksan niya ang pinto ng Passenger's seat na katabi ko lang bago lumingon ulit sa akin.

My Perfectionist Husband (MINE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon