Chapter 22: Daddy
Kira's POV
Pagkagising ko kinaumagahan ay hindi na ako nagulat ng wala na sa tabi ko si Allen.
Sigurado akong tapos na rin yung magbihis kaya tumayo na ako mula sa pagkakahiga para maabutan ko pa siya sa sala.
Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko siyang inaayos ang necktie niya habang nakaupo sa sofa.
Tumabi ako sa kaniya at agad naman na lumipat ang tingin niya sa akin.
"May problema ka ba sa kompaniya?" I asked softly. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
Mariin niya akong tinitigan na para bang binabasa niya ang ekspresiyon ko kaya napakunot ang noo ko.
"Allen." Sambit ko.
Huminga siya ng malalim at tuluyan nang humarap sa akin.
"Nothing. Huwag mo nang alalahanin yun dahil wala namang problema." Ika niya at ngumisi.
I tried to believe him but there's something in his eyes that makes me think that he's lying. Pakiramdam ko mayroon talaga siyang problema.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
Tumango siya at hinalikan ako sa labi.
"Don't worry about it." Sabi niya.
Bumuntong hininga na lang ako at ngumiti para malaman niyang naniniwala ako sa kaniya.
Kung may problema man siya sa kompaniya nila, I know that he can handle it. Siya pa, eh wala ata siyang hindi kayang gawin.
Nang makaalis na si Allen ay tinawagan ko agad si Shaira para tanungin kung anong schedule ko ngayon.
[Wala kayong shooting ngayon Miss Kira. Photoshoot lang ang meron.] Sabi niya sa kabilang linya.
"Ganun? So pwede ba akong magleave muna?" I said.
[Ha? Bakit ka magleleave Miss Kira?]
"Basta! May importante lang akong gagawin."
Natahimik si Shaira ng ilang segundo pero sa huli ay sumagot rin siya na pwede nga akong magleave.
I wanted to take a leave because I want to surprise Allen later. Parang masiyado na kasi siyang busy kaya para naman mawala ng konti yung kapagudan niya ay magluluto ako para sa kaniya mamayang dinner.
Sana lang hindi ako pumalpak.
I spent the whole morning looking for an easy recipe at ang napili ko ay ang menudo. Naalala ko na paborito rin pala ito ni Allen kaya ito na lang ang lulutuin ko. Its not that easy but I guess mapag-aaralan naman.
Nang makita kong hindi pala sapat ang mga ingredients sa ref ay napagdesisyunan kong bumili na lang sa pinakamalapit na grocery store dito.
I'm wearing my usual skinny jeans and Halter top attire while I'm wearing a wayfarer nang makarating na ako sa grocery store.
Hindi naman ako nahirapang bumili dahil nakalista naman ang lahat ng bibilhin ko at may pictures rin ako ng mga yun kaya madali ko lang itong mahanap.
Nang magbabayad na ako sa cashier ay may narinig akong nag-uusap sa tabi ko.
I'm not that fond of chismis but something on what they're talking got my attention.
"Yup! That's what my Dad said. Nagnakaw daw ang kompaniya na yun sa kanila." Sabi nung babaeng may itim at mahabang buhok.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...