Chapter 33: Vomit
Kira's POV
Hindi ko alam kung anong ikinagagalit ni Mommy. Nalaman niya ba kung saan ako pumunta? O nagagalit lang siya dahil lumabas ako ngayon?
"Mommy." Bati ko kay Mommy nang makalapit ako sa kaniya.
Matalim pa rin ang tingin niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapalunok. Shocks! Baka ikulong ako nito dito sa mansion!
"At saan ka galing?" Sabi ni Mommy habang nakahalukipkip at inilahad sa akin ang loob ng mansion.
Sumunod naman ako kay Mommy papasok ng mansion at umupo ako sa harap niya ng umupo siya sa pantatluhang sofa. Nakaupo lang ako sa pang-isahang couch.
"S-Sa Mall." Pagsisinungaling ko.
Shit naman oh! Bakit pakiramdam ko alam ni Mommy kung saan ako galing?!
"Talaga?" Sarkastikong tanong ni Mommy.
Tumango ako kay Mommy dahil hindi ko na kayang magsalita dahil pakiramdam ko mahahalata lang na nagsisinungaling ako.
"Eh ano 'to?" Sabay pakita ni Mommy sa cellphone niya na nakadisplay ang isang picture.
Pinaningkit ko ang mata ko para makita nang mabuti ang picture at nagulat ako nang makita kong yun yung naghihintay kami ni Allen ng taxi.
Damn! Yan ba yung kumuha ng litrato ko na lilingunin ko na sana?!
Pero bakit parang ang bilis naman ata kumalat ng litrato at nalaman agad ni mommy? Don't tell me, pinsundan ako ni Mommy at yung kumuha niyang picture ay yung taong pinasunod ni Mommy sa akin?!
"Oo, pinasundan kita." Sabi ni Mommy na parang nabasa ang laman ng utak ko.
"Mommy naman! Bakit mo ako pinasundan?!" I said frustratedly.
Ano bang pakialam ni Mommy sa buhay ko? Bakit kailangan niya pa akong pasundan? Argh! Kainis!
"Dahil alam kong hindi ka makikinig sa akin! Sinabi ko na sayo na huwag kang lalabas diba?!" Galit na sabi ni Mommy.
"Ano namang gusto mo Mommy? Magkulong lang ako dito?!" Sabi ko naman.
Napailing lang si Mommy at napabuntong-hininga na parang napapagod na.
"Anak, alam mong hindi ko pa naaayos yung tungkol sa pekeng pagkamatay mo, kaya please naman sana makicooperate ka muna sa akin." Nagtitimping sabi ni Mommy.
Wala na lang akong ginawa kundi tumango dahil naiintindihan ko si Mommy.
Gusto niya lang naman ngayon ay kung ano ang makakabuti sa akin. Ayaw ko na rin namang gumulo pa ang buhay ko dahil sa media na pakalat-kalat lang ngayon pero anong magagawa ko kung gusto kong makita si Allen? I just want to see him!
"And why are you with Mr. Monreal?" Kunot-noong tanong ni Mommy na may halong panininingkit ng mga mata.
Nag-iwas agad ako ng tingin. Akala ko hindi niya na ito tatanungin! Anong sasabihin ko?!
Alam kong may away pa sa gitna ng pamilya namin lalo na ngayong hindi pa nababayaran ni Mommy ang lahat ng ninakaw ni Daddy pero pwede bang hindi na lang kami madamay ni Allen doon?
Tsaka si Allen naman yung CEO nang kompaniya nila diba? Argh! Siyempre kompaniya pa rin ng buong Monreal Family yun kaya hindi lang pwedeng si Allen lang ang nagdedesisyon!
"I'm asking you, Kira." Seryosong tanong ni Mommy.
Tumikhim ako para ibsan ang kabang nararamdaman bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...