Chapter 16: Smile
Kira's POV
Pagkabalik namin sa condo ni Allen ay nanatili kaming tahimik na dalawa.
No one tried to talk and no one has the urge to talk. Siguro napapansin niyang ayaw kong makipag-usap kaya hindi na rin siya nagsalita.
Papasok na sana ako sa kwarto niya para magpalit ng makaramdam ako ng isang mainit na palad na pumulupot sa palapulsuhan ko.
Siyempre kilala ko na kung sino yun. Kaming dalawa lang naman ang nandito eh.
"Let go of me." I said sternly without looking at him.
Ayokong ipakita na nagagalit ako, ayokong ipakita yung pait na nararamdaman ko at ayokong ipakita na nalulungkot ako pero bakit ang hirap itago? Ang hirap itago ng mga nararamdaman ko.
Kumunot ang noo ko ng hindi siya gumalaw man lang o kaya'y nagsalita. Unti-unti akong humarap sa kaniya pero bago pa ako makaharap ay naramdaman ko na lang na isinandal niya ako sa pinto habang nakaharap ako sa kaniya.
What the hell?!
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakatingin sa akin habang may halo-halong emosyon ang itim niyang mga mata.
Nakahawak ngayon ang isang kamay niya sa palapulsuhan ko habang ang isa naman ay nakalapat sa pinto at katapat ng mukha ko.
I can see how firm his muscles are because of our closeness.
Napalunok ako ng naramdamang bumilis na naman ang tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis nito! Damn!
"W-What?" Tanong ko habang nakayuko.
Argh! Bakit kahit malungkot ako ngayon ay napapalitan yun ng kakaibang pakiramdam dahil sa presensiya niya sa harap ko?!
"Eyes on mine, Kira." He said after a long stretch of silence making me flinch.
"H-Huh?" I asked nervously while still looking down.
Damn! Bakit ako sobrang kinakabahan ngayon?!
Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong dress ng naramdaman kong lumapat ang katawan niya sa akin habang nakayuko pa rin ako.
Nakita ko namang bumaba ang kamay niyang nakalapat sa pinto at naramdaman ko iyong hintuturo niya na itinaas ng dahan-dahan ang baba ko na naging dahilan ng pagtatama ng mga mata namin.
Damn it! I can't let him see my face right now! I'm sure that I'm blushing!
Tumikhim ako para maibsan ang kabang nararamdaman pero parang wala lang nangyari dahil mas bumilis pa ang tibok ng puso ko!
"Galit ka ba sa akin?" Kusa akong napatingin sa mga mata niya ng marinig ko kung gaano kalambot ang boses niya ng magsalita siya.
Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin, ibang-iba sa mga mata niya kanina.
Napakurap-kurap ako at itinikom ko kaagad ang bibig ko ng mapansing nakaawang pala ito!
Argh!
"A-Ahm. H-Hindi naman ako g-galit sayo." Sabi ko habang iniiwas ko ang tingin ko.
"Then why can't you look at my eyes?" He said softly but there is a glint of seriousness in it.
Pinilit ko ang sarili kong makatingin sa mga mata niya at nagawa ko nga. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa mapupungay niyang mga mata.
"Ayan. Ayos na?" Tanong ko matapos ng mahabang katahimikan. "N-Nakatingin na ako sa mga m-mata mo. Okay na? Do you believe me n-now?" I said nervously.
![](https://img.wattpad.com/cover/227800347-288-k359306.jpg)
BINABASA MO ANG
My Perfectionist Husband (MINE Series #1)
RomanceKira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist businessman na si Allen Andrei Monreal. Si Allen Andrei Monreal ay isang almost perfect at perfectioni...